DALAW SA BILIBID HULI SA HIGIT P2-M SHABU

ARESTADO ang 33-anyos na babae matapos tangkaing itakas ang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P2.3 milyon sa New Bilibid Prison (NBP).

Kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na kinilala ni Police Brig. Gen. Jimili Macaraeg, District Director ng Southern Police District (SPD) na si Raquel Artiaga Zuñiga, residente ng Masaraga St., Tatalon, Quezon City.

Nahuli si Zuñiga ng Inmate Visitation Service Unit (IVSU) ng Bureau of Correction (BUCOR) personnel matapos kapkapan at matuklasan ang apat na transparent plastic bag na naglalaman ng methamphetamine hydrochloride na mas kilalang shabu dakong ala-1:00 ng hapon sa area ng inmate visitation sa maximum security compound, National Bilibid Prison, Muntinlupa City.

59

Related posts

Leave a Comment