GUN RUNNER TIKLO SA ENTRAPMENT

ARESTADO ang isang 28-anyos na jobless makaraang mag-alok umano ng baril sa ikinasang gun buy-bust operation sa Mel Lopez Boulevard, Vitas, Tondo, Manila noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang arestadong suspek na si Babymar Salatandol y Angeles, binata, residente sa Pier 18, Tondo, Manila.

Ayon kay Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division II, Special Mayor’s Reaction Team ng Manila Police District, bandang alas-5:50 ng hapon nang magsagawa ang mga awtoridad ng One Time Big Time operation laban sa loose firearms at isa si Salatandol sa kanilang target.

Isang impormante umano ang umaktong buyer ng baril, at habang isinasagawa ang transaksyon ay inaresto ang suspek ng mga tauhan ng DID-II SMaRT sa pangunguna nina Police Major Emmark Apostol at Police Lieutenant Edgar Julian, at ng mga tauhan ng Northern NCR – Maritime Police Station sa pangunguna ni Police Major Robert Alvino Gutierrez.

Nakumpiska sa suspek ang .38 kalibreng bairl at boodle money na ginamit sa operasyon.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act (Unlawful Sale or Disposition of Firearm). (RENE CRISOSTOMO)

122

Related posts

Leave a Comment