MURDER-SUICIDE SA SEMENTERYO

QUEZON – Patay ang isang land developer habang sugatan ang babaeng anak nito matapos barilin ng live-in partner ng una sa loob ng kanilang bahay na nakatayo sa pag-aari nilang sementeryo sa bayan ng Gumaca, Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na biktimang si Raynaldo Alberto, 57-anyos, may-ari ng Elas Land Development Inc., at residente ng Elas Memorial Park sa Brgy. Butaguin, Gumaca, Quezon.

Habang sugatan ang anak nito na si Tina Mikaela Alberto, 28-anyos.

Ayon sa report ng Gumaca Police, dakong ala-1:55 ng madaling araw nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at 37-anyos na ka-live-in nito na si alyas “Marycris”.

Pagkaraan ay kumuha umano ng baril si Marycris at binaril sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Pinuntahan din ng suspek ang tinutulugang kuwarto ng anak ng biktima at ilang beses ding pinaputukan.

Matapos barilin ang dalawa, nagbaril din sa ulo ang suspek na agad din nitong ikinamatay.

Isinugod sa Rakkk Prophet Hospital sa Gumaca ang anak na babae ng biktima upang malapatan ng lunas. (NILOU DEL CARMEN)

162

Related posts

Leave a Comment