NANGINGIKIL SA MGA TSERMAN SA MAYNILA, TIKLO

BINITBIT ng mga tauhan ng Station Warrant Section ng Manila Police District – Barbosa Police Station 14 ang isa umanong nagpapanggap na empleyado ng Manila City Hall at pumapapel sa mga barangay chairman para makapangikil ng malaking halaga, sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong slight physical injuries and maltreatment, nang matunton sa Bilibid Viejo, Quiapo, Manila.

Kinilala ang suspek na si Joel Joseph Salazar, nasa hustong gulang, binata, jobless.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-7:00 ng gabi noong Lunes nang arestuhin ang suspek sa nasabing lugar sa pangunguna ni Police Captain Lureano Daligdig, hepe ng Warrant Section, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Peter Steve Lim, Regional Trial Court, Branch 3 ng Manila, dahil sa kasong slight physical injury and maltreatment.

Una rito, sinusubaybayan ng mga awtoridad ang suspek na umano’y nagpapanggap na kawani ng Manila City Hall at nagpupunta sa mga barangay chairman para mangikil.

Halagang  P2,000 bawat punong barangay umano ang hinihingi nito para sa 20 na ililista sa programang  “Tupad”.

Bukod dito, kailangang makalikom pa ng pera para pambili umano ng 200 food packs sa Jollibee upang may makain ang mga maglilinis sa kapaligiran.

Nang matimbog ang suspek ay nagpakilala umano itong tauhan siya ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na mariin namang itinanggi ng huli. (RENE CRISOSTOMO)

121

Related posts

Leave a Comment