RESIGNATION NI BERSAMIN ‘BLACK PROPS’

MARIING itinanggi ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang ulat na nagbitiw siya sa puwesto.

Para kay Bersamin, malinaw na ito’y isang black propaganda laban sa kanya.

“Rumors are not true. They are black propaganda against me,” ani Bersamin sa isang text message.

Nauna nang itinanggi ng Presidential Communications Office (PCO) ang ulat na nagbitiw na sa puwesto si ES Bersamin.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil, walang katotohanan ang nasabing ulat.

Matatandaan na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Bersamin na dating Chief Justice noong Setyembre 2022.

Mismong kay Marcos nanumpa si Bersamin noong nakaraang taon.

Kabilang si Bersamin sa mga mahistrado na pumabor na ilibing sa Libingan ng mga Bayani ang ama ng Pangulo na si Ferdinand Sr.

Sa kabilang dako, nang tanungin si Bersamin kung may mga opisyal na magbibitiw sa posisyon sa Office of the Executive Secretary,(OES) sinabi nito na “there will be, but we have no resignations have yet been filed.”

Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang detalye si Bersamin kung magkakaroon ng malawakang balasahan sa OES. (CHRISTIAN DALE)

266

Related posts

Leave a Comment