SEGURIDAD SA PISTA NG NAZARENO PLANTSADO NA

MARIIN ang naging direktiba ni  Police Brigadier General Andre Perez Dizon, director ng Manila Police District, sa kanyang mga tauhan para sa ipatutupad na seguridad sa mga mananampalataya sa Itim na Nazareno sa Quiapo, Manila sa Enero 9, 2023.

Kabilang sa nakasasakop sa fiesta ang MPD-Station 3 sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas; ang Barbosa Police Station 14 sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupaz, habang nakaposte rin sa paglabas at pagpasok sa simbahan ng Itim na Nazareno, sa pangunguna ni Police Captain Rowell Robles, ang Plaza Miranda Police Community Precinct, at ang Carlos Palanca PCP, sakop ng Sta. Mesa Police Station 8, sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Dionnelle Brannon.

Inabisuhan din ng heneral ang iba pang station commander na tulungan ang tatlong istasyon na nakasasakop sa kapistahan ng Itim na Nazareno.

Nauna nang nagpulong ang kura paroko ng simbahan, ang mga magpapatupad ng prusisyon, at ang mga pulis, kabilang si General Dizon, ang staff nito at ang iba pang station commanders.

Layunin ng heneral na maging maayos at higpitan ang seguridad sa mga nakasasakop sa fiesta ng Quiapo. Mahigpit din umano ang pagbabawal sa pag-inom sa mga kalye.

“Isang linggo ang preparasyon na ginawa namin, kaya plantsado na ang seguridad sa paligid na daraanan ng undas,” pahayag ng heneral.

Dugtong pa nito, mahigpit din ang pagmamatyag sa mga indibidwal na may malilikot ang kamay na makikialam sa bulsa ng iba, mga snatcher at holdaper.

Nabatid pa sa ulat na magdadagdag pa ng mga pulis si P/BGen. Jonnel Estomo, NCRPO chief, upang maiwasan ang anomang kaguluhan sa pagdiriwang at lagi nitong ipinaaala sa mga pulis ang ipinatutupad na “Seen, Appreciated, Felt, Extraordinary Police Officers”.  RENE CRISOSTOMO)

58

Related posts

Leave a Comment