MAYOR HENRY JOEL TEVES LAGING MAAASAHAN NG NAUJAN

TARGET NI KA REX CAYANONG

TINATAYANG 20 bagyo ang tumatama sa bansa kada taon.

Mapaminsala ang karamihan sa mga delubyong ito. Siyempre, marami ang namamatay at malaki ang pinsalang iniiwan. Kahit taun-taon ay dumadalaw ang mga bagyo, marami pa rin daw ang hindi nakapaghahanda.

Aba’y maski ang national government ay hindi perpekto at hindi sa lahat ng panahon ay may sapat na kahandaan. Saka pa lamang nagpaplano kung kailan nagbabanta na ang pagtama ng bagyo. Ang resulta, marami ang napapahamak at namamatay.

Ngunit iba itong si Mayor Henry Joel Teves ng Naujan, Oriental Mindoro. Lagi siyang maaasahan ng kanyang mga kababayan.

Sa panayam ng MAYOR’S HOUR SEGMENT ng TARGET ON AIR ng inyong lingkod sa DZME 1530, sinabi ni Teves na tinututukan nila ang pagpapalalim sa mga kailugan.

Ito raw ang nakikita nilang solusyon sa problemang pagbaha at ito ay maisasakatuparan sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan.

Kung matatandaan, nagdeklara ng State of Calamity sa Naujan dahil sa mga pagbaha. Apektado nito ang 47 barangay ng bayan.

Nakapagtala raw ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) noong Enero 19, 2023 ng 5,299 na households o 19.34% ng kabuuang populasyon na naapektuhan ng kalamidad.

“Umabot naman sa P77,832,739.60 ang pinsala sa sektor ng agrikultura at tinatayang P140,641,500.00 ang nasira sa imprastruktura,” sabi ng masipag na alkalde.

Bunga nga raw nito, inirekomenda ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa bisa ng isang resolusyon, na isailalim ang bayan ng Naujan sa State of Calamity.

Labis ang pasasalamat ni Teves sa mga nagpaabot ng tulong sa kanilang bayan katulad ni Governor Bonz Dolor.

Nanawagan din siya sa mga kababayang Naujeño na huwag mawalan ng pag-asa dahil sa tulong aniya ng pamahalaang nasyonal, sa pamamagitan niya, ay mabibigyan ng solusyon ang problemang pagbaha sa kanilang lugar.

“Meron po kaming balak na bumili ng lupa para mailipat po namin ‘yung mga nababahaan lagi. Doon ko naman mailalapit sa housing ‘yun. ‘Yung ganu’ng mga walang babayaran para mailipat ko lang po ‘yung mga nasa taga-tabing ilog at dagat para ligtas sila,” dagdag pa ng super energetic na municipal mayor.

Good job, Mayor Joey Teves.

Mabuhay po kayo at God bless!

343

Related posts

Leave a Comment