VP ROBREDO KULANG LANG O WALA TALAGANG ALAM?

BIRO ninyo naman, mag-akusa ba naman na propaganda lang daw ng gobyerno ang ginagawa nitong pag responde para sa mas mabilis na pagkakaroon ng covid vaccine sa bansa.

Di po ba kayo ­nag-iisip na ang ginagawa ninyo ay hindi nakakatulong sa karamihan ng mga kababayan dahil ­inaakusahan ninyo ang gobyerno natin na inutil pag ­dating sa pagpapatupad sa ­COVID-19 vaccine.

Hayan isinampal tuloy sa inyo ng pamahalaan na hindi nila kagustuhan na maging huli tayong mabigyan ng vaccine dahil yan ay ang World Health Organization (WHO) ang nagtakda kung sino-sino ang mga mauunang mabigyan ng bakuna.

Kaya sana bago kayo magtatalak Ms. Vice President ay tingnan nyo muna kung tama ba yang ipinangandaladakan ninyo upang di naman kayo masabihan ng walang alam, “ANO NGA TAWAG DOON BOPLAK?” Hay nako ikalawang Pangulo ka pa naman ng bansa.

Natuwa pa naman ako sa naging kumento mo patungkol doon sa ginawang aksyon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay ng pagbibitiw bilang contact tracing Czar dahil sa pagdalo nito sa isang birthday party sa Baguio City.

itinuturing ni Magalong na isang ­napakalaking paglabag sa mga umiiral na health protocol ang kanyang nagawa.

Yung mga ganoong kumento ay nagpapakita na may sense ang mga pagpuna mo. Hindi kagaya ng mga kumento mo about doon sa vaccine eh halatang namumulitika ka lang at di nag-iisip.

Huwag po kayong patol ng patol sa mga isinusubo sa inyo dahil kitang kita namang ginagamit ka lang ng mga taong ang layunin ay ang sarili lang din nilang kapakanan.

Di ba sabi mo na kung mayroon mang nagawang lapse… ang isang opisyal dapat ay kagaya ni Mayor Magalong ang magiging response upang mataas ang respeto?

Di ba sinasabi niyo pa ang mga opisyal na kagaya ninyo, ay may standard na hinihingi sa inyo?

“Kapag ganito iyong ating mga public officials, iyong respeto ng tao sa institusyon ay mabu-boost. Na kapag may kasalanan, inaako iyong kasalanan, walang pagdepensa sa sarili. Ang sinasabi lang inaako, mananagot sa dapat na parusa.

Sana lang ganyan ka lagi mag-isip Ms Vice President para naman masaya ang BANSA!!

67

Related posts

Leave a Comment