P1.6-M ECSTASY NASABAT SA MAIL EXCHANGE CENTER

AABOT sa 979 piraso o katumbas katumbas ng P1,600,000 halaga ng ecstasy tables na mula sa The Netherlandas, ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs at mga operatiba ng PDEA sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Ang naturang party drugs ay nakasilid sa isang abandonadong parcel sa CMEC sa Domestic Road sa Pasay City.

Ang naturang parcel ay nakapangalan sa consignee na si Joey Ramos Jr. ng Dominga St., Malate Manila.

Natuklasan ng Customs employees ang laman ng parcel nang idaan sa unang inspeksyon sa pamamagitan ng K9 Unit at bineripika sa X-ray machine kung ano ang laman nito.

Sa kasalukuyan, nailipat na ng Bureau of Customs ang naturang party drugs sa PDEA Inter Agency Interdiction Task Group para sa karagdagang imbestigasyon. (DAVE MEDINA)

125

Related posts

Leave a Comment