UMABOT sa 19,051 sasakyang-pandagat ang namonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pamamagitan ng Philippine Navy, sa mga karagatang binabantayan nito noong Oktubre 2026 bilang bahagi ng pagpapatibay sa seguridad pandagat at pangangalaga sa mga karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone (EEZ). Batay sa ulat ng Philippine Navy, mula Oktubre 1 hanggang 31 ay namonitor ang 3,585 lokal at 15,466 dayuhang sasakyang-pandagat. Sa kabuuang bilang, 14,054 ang tumugon sa radio challenges ng mga awtoridad habang 4,997 naman ang hindi sumagot. Ayon sa Philippine Navy, mahalaga ang patuloy…
Read MoreDay: November 3, 2026
BUDOL SA TINDAHAN UMULIT PERO ‘DI NA NAKALUSOT
NABUKING sa CCTV ang umano’y modus ng isang lalaki na muling nagtangkang mambudol sa tindahan sa Sta. Rosa, Laguna nitong Undas, ngunit nauwi ito sa pagkakaaresto matapos siyang sapakin ng mister ng tindera. Ayon sa may-ari, ikalawang beses na silang nabiktima ng suspek na nakilala nila dahil sa suot nitong damit noong una siyang mangbudol. Sa kuha ng CCTV, makikitang bumili ang lalaki ng isang pirasong gulay at nagkunwaring magbabayad gamit ang isang libong pisong papel. Ngunit nang aabutin na ang bayad, bigla niya itong binawi at nagtanong tungkol sa…
Read More10 ALAGANG HAYOP NILASON SA CAVITE
SAMPUNG alagang hayop ang nasawi matapos umanong makakain ng pagkaing may lason na ikinalat sa kalsada sa Barangay Katinga 3, Alfonso, Cavite. Ayon kay Carl Andrei Fenol, residente sa lugar at isang pet lover, nadiskubre nitong Martes ng umaga na pitong aso at tatlong pusa ang kumpirmadong nasawi. Pero sinasabing may iba pang residente umanong namatayan din ng mga alagang hayop at agad nang inilibing ang mga ito. Sa panayam kay Fenol, sinabi nito na bine-verify pa nila kung may iba pang namatay. “Apat pong aso ‘yung nakita namin pero…
Read More15 CHIEF PROSECUTORS SA METRO MANILA, INENDORSO SI ZALAMEDA BILANG SUSUNOD NA CHIEF JUSTICE
INENDORSO ng 15 chief prosecutors sa Metro Manila si Supreme Court Associate Justice Rodil V. Zalameda bilang susunod na Chief Justice dahil sa kanyang kahusayan sa batas, pamumuno at malinis na rekord sa serbisyo publiko. Sa Resolution No. 03, Series of 2026, sinabi ng NCR Chief Prosecutors Association Inc. na si Zalameda ang pinakakwalipikadong humalili kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo, na nakatakdang magretiro sa Nobyembre 6. Sa resolusyon, nagkaisang inendorso ng asosasyon si Zalameda bilang susunod na pinuno ng Korte Suprema. Kabilang sa mga lumagda sina Chief Prosecutors Ma.…
Read MorePNP WALANG ILALABAS NA ‘SHOOT-TO-KILL ORDER’ LABAN KAY SEN. BATO
TINIYAK ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi ito maglalabas ng anomang “shoot-to-kill order” laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa kabila ng nagpapatuloy na manhunt operation upang maipatupad ang arrest warrant laban sa senador. Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio C. Nartatez Jr., hindi bahagi ng mandato ng pulisya ang paggamit ng pamamaraang shoot-to-kill dahil tungkulin nilang ipatupad ang batas at hindi gumawa ng sariling batas. Binigyang-diin ni Nartatez na dapat igalang sa lahat ng operasyon ang karapatang pantao at rule of law, at hindi…
Read MoreSC KINALAMPAG SA MGA NAKABINBING PETISYON KINA DUTERTE, DELA ROSA
NAGSAGAWA ng indignation rally ang mga miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa harap ng Korte Suprema sa Padre Faura Street, Maynila upang igiit ang agarang pagresolba sa mga nakabinbing petisyon kaugnay nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa. Kabilang sa mga panawagan ng grupo ang agarang pagdedesisyon sa mga petisyong habeas corpus na inihain para kay Duterte at sa mga kasong kumukuwestiyon sa pagpapatupad ng mga arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC). Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, bagama’t hindi siya…
Read MoreIMBESTIGASYON SA PAGPATAY SA ENVIRONMENTAL DEFENDERS, ISINULONG
IGINIIT ni Senador Jinggoy Estrada ang pangangailangang imbestigahan ng Senado ang patuloy na pagpatay sa mga environmental defenders sa bansa. Inihain ng kampo ni Estrada ang Senate Resolution No. 697 kasunod ng 2026 Global Witness Report na nagsasaad na pinakamataas sa Asya ang bilang ng mga environmental defender na napatay sa Pilipinas sa loob ng 13 magkakasunod na taon. Ayon kay Estrada, hindi dapat ipagwalang-bahala ang mga insidenteng ito, lalo’t patuloy ang pagpatay sa mga nagtatanggol sa kalikasan. Sinabi niyang mga ordinaryong mamamayan ang mga biktima na ipinaglalaban lamang ang…
Read MoreMGA BATAS SA PROTEKSYON SA HAYOP, SISILIPIN NG SENADO
NAKIISA sina Senador JV Ejercito at Senador Pia Cayetano sa panawagan para sa masusing imbestigasyon at pananagutan kaugnay ng pagkakatagpo sa mga bangkay ng mga alagang hayop na itinapon sa isang bakanteng lote sa San Jose del Monte, Bulacan. Sinabi ni Ejercito na nakagagalit at nakalulungkot ang sinapit ng mga hayop na iniuugnay sa isang pet crematorium sa Bacoor City, Cavite. Bilang pet lover, binigyang-diin ng senador na bahagi na ng pamilya ang mga alagang hayop kaya nararapat lamang na bigyan sila ng wastong pag-aalaga at dignidad, maging sa kanilang…
Read MoreMALAKANYANG SA PNP: ARESTUHIN SI DELA ROSA
HINAMON ng Malacañang ang Philippine National Police (PNP) na tuparin ang kanilang mandato at ipatupad ang anomang balidong warrant of arrest laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, sa kabila ng pagiging dating hepe nito ng pambansang pulisya. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi dapat maging dahilan ang dating posisyon ni Dela Rosa at pagiging alumnus ng Philippine Military Academy (PMA) upang hindi ipatupad ng mga pulis ang kautusan ng korte. Nauna rito, sinabi ni Department of the Interior and Local Government…
Read More