P20M GANANSYA SA SUBASTA

HUMIGIT kumulang P20 milyon ang ipinasok ng Auction and Cargo Disposal Division (ACDD) ng Manila International Container Port (MICP) sa isinagawang pagsusubasta ng mga na­sabat na kargamento ng nasabing ahensya.

Sa kalatas ng Bureau of Customs, lumalabas na may kabuuang 19 na containers na naglalaman ng kumpiskadong kalakal ang dinispatsa dalawang linggo na ang nakaka­raan sa isang public auction na ginanap, nilahukan ng 19 na bidders at nasaksihan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang katuwang na ahensya sa bulwagan ng MICP.

Sa tala ng BOC, isa ang MICP sa 14 na district collection offices na patuloy na nakapagtala ng

kitang lagpas na sa itinakdang buwanang target ng kawanihan. Nito lamang nakaraang buwan, nakapag­tala ng P59.036 na koleksyon ang MICP – higit na mas malaki sa target para sa buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon. (BOY ANACTA)

206

Related posts

Leave a Comment