P25-B 2026 MANILA BUDGET APRUBADO NG CITY COUNCIL

APRUBADO na ng City Council ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagpasa sa Ordinance No.8970 o ang paglalaan ng P25 bilyon para sa 2026 mula sa general fund ng Manila City Executive Budget.

Pinangunahan ni Councilor Timothy Oliver Zarcal ang deliberasyon sa kanilang regular session para tiyakin ang maayos na pamamahala.

Mga pangunahing pangangailangan ang binigyang prayoridad sa budget tulad ng pabahay, kalusugan, edukasyoh at trabaho kaagapay ang kaligtasan ng publiko at pagbangon sa ekonomiya.

Ang 13th City Council ay naninindigan sa prinsipyo na “Where Manila goes, the country follows”.

Sa pag-apruba ng 26 sa 38 na mga miyembro ng Konseho, sa transparent at socially-focused budget, layon ng Konseho na magsilbing halimbawa ng accountability at good governance para sumunod ang lahat ng local government units.

Binati naman ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang mga miyembro ng Konseho sa kanilang pagsisikap sa pagpapasa ng ordinansa.

(JOCELYN DOMENDEN)

51

Related posts

Leave a Comment