P5.268-T BUDGET SINERTIPIKAHANG ‘URGENT’ NI PBBM

SINERTIPIKAHANG ‘urgent’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasa sa General Appropriations Bill (GAB) na naglalaman ng P5.268-trillion National Expenditure Program para sa taong 2023.

Si House Speaker Martin Romualdez ang tumanggap ng one-page letter mula sa Pangulo na may petsang Setyembre 16, ay nanawagan ng agarang pagsasabatas ng House Bill (HB) No. 4488.

Naniniwala ang Pangulo na kailangan na ang agarang pagpapasa sa national budget upang matugunan ang mga pangangailangan para mapanatili ang government operations kasunod ng pagtatapos ng kasalukuyang fiscal year, palakasin pa ang pagsisikap sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, at suportahan ang inisyatiba tungo sa national economic recovery.

“The urgent certification from the President allows the approval of a bill on second and third reading on the same day,” ayon sa ulat.

Sa social media post, sinabi ng Office of the Press Secretary na tinanggap ni House Speaker Martin Romualdez ang Proposed Budget for Fiscal Year 2023. (CHRISTIAN DALE)

126

Related posts

Leave a Comment