P70-M PEKENG FACE SHIELDS NASAMSAM

NASAMSAM ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), at ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang P70 milyong halaga ng peke at puslit na “Heng De” face shields sa isang bodega sa Parañaque City.

Batay sa ulat ng NBI, sinalakay ng grupo ang isang bodega sa #83 Luzon Road, BF Homes, Parañaque City, bandang alas-4:30 noong Huwebes ng hapon.

Tumambad sa raiding team ang kahon-kahon na pekeng Heng De face shields na galing sa China.

Nakatanggap ng impormasyon ang NBI na ang naturang personal protective equipment (PPE) ay hindi dumaan sa kaukulang inspection at hindi idineklara ng Food and Drugs Administration (FDA) na ligtas gamitin.

Nakatakda namang wasakin ng BOC ang mga puslit na PPE matapos ang imbestigasyon. (RENE CRISOSTOMO)

130

Related posts

Leave a Comment