DAR, PAMUMUNUAN ANG P45.6-M INFRA PROJECTS SA SULTAN KUDARAT

PANGUNGUNAHAN ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pagpapagawa ng P45.6 milyong halaga ng iba’t ibang proyektong pang-imprastraktura sa Sultan Kudarat.

Ang mga proyekto ay kinabibilangan ng mga farm-to-market roads, potable water system at irigasyon, banggit ni DAR Secretary John Castriciones.

Napakalaki ng maitutulong ng nabanggit na proyekto sa pagpapataas ng kalidad ng buhay, produksyon at kita ng mga magsasaka sa bayan ng Tacurong sa Sultan Kudarat, pahayag ni Castriciones.

“Ibinibigay natin ang mga suportang ito sa agrarian reform beneficiaries (ARBs) upang mapagbuti ang kanilang mga ani at ang kanilang pamumuhay dahil ang mga magsasaka ang mga frontliner [ng ating bansa] upang masiguro ang suplay ng pagkain ng bansa,” paliwanag ni Castriciones.

Ang P45.6 milyong proyekto ng DAR, sa pamamagitan ng Italian Agrarian Reform Community Development Support Program (IARCD), saad ni DAR Soccsksargen Director Marion Abella.

Sabi pa ni Abella, makikinabang din ang mga residente sa maraming barangay sa Tacurong, bukod sa ARBs.

Nilinaw ng DAR na maliban sa implementasyon ng Comprehensive Agrarian Reform (CARP) kung saan namamahagi sila ng mga lupaing agrikultural sa ARBs ay mayroon ding papel at tungkulin ang DAR sa mga proyektong patungkol sa pag-angat ng produksiyon, kabuhayan at kita ng mga magsasaka sa iba’t ibang panig ng bansa. (NELSON S. BADILLA)

182

Related posts

Leave a Comment