HINDI hinihikayat ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang walk-ins sa COVID-19 vaccination sites.
Sa halip, nais ng gobyerno na isulong ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng substitution lists.
“The IATF, the COVID-19 policy-making body, was “tentative” on its stand on walk-ins in vaccinations since it could “invite a crowd” at vaccination sites lead to superspreader events,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, co-chair ng IATF.
Sa halip, pinayuhan ng gobyerno ang lokal na pamahalaan na maghanda ng substitution list sa pagkakataong ang recipients ng bakuna ay hindi makakapunta sa scheduled vaccination.
Ani Nograles, sa pamamagitan ng substitution lists ay magkakaroon ng gampanin ang mga awtoridad na kontrolin ang numero ng mga tao na pupunta sa vaccination sites na taliwas sa walk-ins.
Ang pahayag na ito ni Nograles ay matapos muling ikasa ng Maynila ang walk-ins sa vaccination sites makaraang makita ni Mayor Isko Moreno ang mababang turnout ng vaccine recipients nang magpatupad ito ng “no walk-in” policy. (CHRISTIAN DALE)
183 