MASAMANG EPEKTO NG GUTOM IWASAN

HINIKAYAT ni Senador Grace Poe ang Inter-Agency Task Force on Zero Hunger na paigtingin ang kasalukuyang pagkilos upang matiyak na maiwasan na dumanas ang kabataang Filipino ng masamang epekto ng gutom at malnutrisyon sa gitna ng pandemya.

Sa pahayag, iginiit ng senador na kailangan ng bansa na magpokus sa community-based approach sa pagtugon ng problema sa malnutrisyon sa kabataang Filipino, na pangungunahan at sinusuportahan ng buong gobyerno.

Sa pag-aaral na ipinalabas nitong nakaraang linggo, sinabi ng World Bank na nangyayari na ang acute malnutrition o napipinsala ang Pilipinong kabataan at higit na apektado nito ang murang katawan na matutunghayan sa mga susunod na taon.

Inihayag ng World Bank na kahirapan ang isa sa pinaka-importanteng dahilan ng undernutrition at apat mula sa 10 bata sa mahihirap na pamilya ang nabansot.

“Kailangan ng bata sa mahihirap na pamilya ang ating tulong na puwedeng ibigay. Pagtugon sa kanilang nutrisyon at paglaki ang dapat nating collaborative commitment,” giit pa ni Poe, awtor ng Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act. (ESTONG REYES)

425

Related posts

Leave a Comment