PAGBABAKUNA SA 12-17-ANYOS POSIBLE SA OKTUBRE

MAGANDANG balita sa sektor ng kabataan – possible nang umpisahan ng pamahalaan sa susunod na mga buwan ang vaccination rollout sa mga batang edad 12 hanggang 17 nang sa gayon ay mabigyang proteksyon ang kabataan laban sa banta ng nakamamatay ng COVID-19.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Food and Drugs Administration director-general Eric Domingo na binabalangkas na ng iba’t ibang ahensiya ang paraan ng deployment and vaccination plan para sa mga kabataan.

“Palagay ko po na 4th quarter of the year, from October [to] December ay aabot na rin naman sa mga bata ang ating vaccination, pero ‘yun nga po hanggang 12 years old pa lamang,” ani Domingo, kasunod ng pag-apruba ng kanilang tanggapan ng aplikasyon para sa pag-amyenda ng emergency use authorization (EUA) ng bakunang gawa ng Moderna.

“Kung hindi man lahat ng bata for example na 12 to 17 ang kayang bigyan, iniisip nila kung paano tayo ay may prioritization sa adults… baka possible na sa children baka ‘yun din ang decision na uunahin muna ‘yung mga at higher risk and then later on the healthier children,” dugtong pa ng FDA chief.

Gayunpaman, kakailanganin pa rin aniya ng permiso ng mga magulang bago pa turukan ng bakuna ang mga target na kabataan.
“Hindi babakunahan ang anak ninyo hangga’t ‘di kayo pumapayag. Totoo naman na mayroon talagang adverse events, mayroong mild reactions,” pagtatapos ng opisyal.

198

Related posts

Leave a Comment