PAGPAPALAKAS SA INDIGENOUS PEOPLE’S RIGHT ISUSULONG NG FPJ PANDAY BAYANIHAN

ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang ibayong pagpapalakas ng Indigenous Peoples Right Act (IPRA) para sa proteksyon ng lupaing katutubo at direktang paglahok nila sa paggogobyerno. Ayon kay Brian Poe Llamanzares, ang mga Indigenous People ay patuloy na kinakaharap ang hamon sa pag-secure ng pagkilala at proteksyon ng kanilang mga ancestral domain dahil sa magkasalungat na mga batas at patakaran. Ang mga lupain at teritoryo ng mga katutubo ay madalas na tinatarget bilang mapagkukunan, mga proyektong pang-imprastraktura, at malawakang agrikultura, na humahantong sa displacement, pagkasira ng kapaligiran, at pagkawala…

Read More

PAGHULI KAY FPRRD KIDNAPPING – ROQUE

IGINIIT ni dating Presidential Spokesman Harry Roque na ang pag-aresto at agarang paglilipat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ay isang “kidnapping” at lantarang paglabag sa international legal standards at due process. Si Roque, na kasalukuyang nasa The Hague upang tumulong sa depensa ni Duterte, ay nagbabala ng isang “government-orchestrated abduction. “Inakusahan niya sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., National Security Adviser Eduardo Año, Defense Secretary Gilbert Teodoro, at Interior Secretary Jonvic Remulla ng pagsasagawa ng isang extra-judicial transfer na labag sa batas. Tinukoy ni Roque ang…

Read More

MGA PAMPASABOG, BARIL NABAWI; 17 LAWLESS ELEMENTS NADAKIP

NASA 17 katao na pawang hinihinalang armed lawless elements ang nadakip sa isinagawang joint law enforcement operation ng militar at pulisya sa lalawigan ng Maguindanao del Norte na nagresulta sa pagkasamsam ng ilang de kalibreng baril at pampasabog. Ayon kay LTC Roden R. Orbon, Army 6th Infantry Division spokesperson, napigilan nila ang posibleng malagim na karahasan nang masabat ng kanilang mga tauhan ang mga armas at pampasabog mula sa isang armed lawless group sa operasyong isinagawa sa Barangay Kapinpilan, Ampatuan, Maguindanao del Sur. Ayon kay Lt. Col. Loqui O. Marco,…

Read More

AKAP BINIGYAN NG COMELEC ELECTION BAN EXEMPTION

MAAARI pa ring ipagpatuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP matapos bigyan ng Commission on Elections (Comelec) ng exemption mula sa spending ban ngayong campaign period para sa nalalapit NA 2025 national at local elections (NLE) sa Mayo 12. Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, ang desisyon alisin sa election ban ang nasabing program ay makaraang maisumite ng DSWD, National Economic and Development Authority (NEDA) at iba pang sangay ng pamahalaan ang mga guideline na…

Read More

CHINESE HULI SA EXTORTION; 2 KASAMA BINITBIT DIN SA OBSTRUCTION OF JUSTICE

KALABOSO ang tatlong Chinese National sa ikinasang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) NCR, Lunes ng gabi sa Pasay City. Nakilala ang mga suspek na sina Changao He, 36-anyos may-asawa; Yong Pin Pang, binata, 32-anyos at Ming Wei Xiong, binata, 33-anyos, mga dati umanong miyembro ng People’s Liberation Army of China at naninirahan sa Chengdu Bistro, Hobbies of Asia, Pres. D. Macapagal Blvd. Barangay 076, Pasay City. Sa ulat, nag-ugat ang reklamo makaraang magsumbong ang biktimang Chinese National din na si Liang Xiao Hu, 34-anyos, online seller…

Read More

OFW HOSPITAL WARD HIRIT NG AKO-OFW KAY PBBM

HUMILING ang AKO-OFW Party-list kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa agarang pagpapatupad ng OFW Hospital ward sa lahat ng provincial o regional hospital. Layon nito na matulungan ang mga overseas Filipino worker sa panahon ng kanilang pangangailangan at ng kanilang pamilya sa problema sa medikal. Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW Chairman Dr. Chie Umandap, nakikiusap siya kay Pangulong Marcos na habang wala pa ang AKO-OFW sa Kongreso ay mag-utos na ito sa Department of Health (DOH) na maglaan ng OFW hospital ward sa lahat ng government hospitals sa…

Read More

SENATORIAL ASPIRANTS PINAKAKASA SA WORKERS CHALLENGE 2025

HINAMON kahapon ng malaking grupo ng unyon sa Pilipinas ang lahat ng senatorial aspirants sa 2025 midterm elections na kumasa ang “Workers’ Challenge 2025.” Layon nito na mabigyan ng proteksyon ang lahat ng uring manggagawa na kapos ang sweldo dahil sa sobrang taas ng bilihin. Sa presscon sa Orosa St., Malate, Manila, nagsama-sama ang nasa 100 union ng mga manggagawa mula sa iba’t ibang malalaking kompanya at pederasyon para manawagan na dagdagan ang daily minimum wage sa NCR at karatig probinsya. Gayundin, layunin ng workers challenge na sagutin ng mga…

Read More

BARDAGULAN SA BBM ADMIN: CASTRO VS GUEVARRA

NAGPATUTSADAHAN kahapon ang dalawang opisyal sa gabinete ng Marcos Jr. admin kaugnay sa reklamong dulot ng pagpapahuli kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Naunang sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro na dapat i-assess mabuti ni Solicitor General Menardo Guevarra ang kanyang sarili kung karapat-dapat pa ba siyang maging chief lawyer ng gobyerno. Ito’y matapos umatras ang OSG na maging kinatawan ng pamahalaan hinggil sa pinag-isa na petitions for habeas corpus na isinampa sa Korte Suprema ng mga anak ni Duterte. Sa press briefing sa Malakanyang,…

Read More

DBM NAGLABAS NG MAS MALAKING PERA SA MGA BARANGAY NI QUIMBO

INAPRUBAHAN umano ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng Local Government Support Fund (LGSF) sa 10 sa 16 barangays sa Marikina City na inendorso ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo. Ayon sa mga dokumento mula sa Bureau of the Treasury na lahat ay may petsang Pebrero 18, 2025, pito sa 10 barangay, kasama na ang apat sa distrito ni Quimbo, ang nakatanggap ng iba’t ibang halaga ng LGSF. Ang tatlong barangay — Parang, Nangka, at Concepcion Dos — ay nakatanggap ng higit sa pinapayagang halaga ng…

Read More