MOCHA KINALAMPAG NG COMELEC SA MALASWANG CAMPAIGN JINGLE

NAKIPAG-UGNAYAN ang Commission on Elections (Comelec) kay Manila City Councilor bet Margaux “Mocha” Uson dahil sa kanyang ‘sexually suggestive’ campaign jingle. Sa isang liham kay Uson na nilagdaan ni Comelec George Garcia, sinabi ng poll body na bagama’t ang mga political campaign ay kadalasang naglalayong makuha ang atensyon at hikayatin ang mga botante, dapat matutumbok ang mga mensahe nang direkta sa punto. Ang tinutukoy ng Comelec na campaign jingle ni Uson ay ang “Cookie ni Mocha, ang sarap sarap” at “Ang cookie ni Mocha, bawat kagat, may malasakit at saya.”…

Read More

PINOY TEACHERS ALAGAAN SA EDUKASYON, TRAINING – MAYOR ABBY

NANINIWALA si senatorial candidate at Makati Mayor Abby Binay na dapat pondohan ng gobyerno ang tuloy-tuloy na edukasyon at pagsasanay ng mga guro para mas gumaling sila sa pagtuturo at makasabay sa mabilis na pagbabago ng panahon. “Ang bilis ng pag-usad ng teknolohiya ngayon. Hindi pwedeng maiwan ang mga guro natin, kasi kapag sila’y napag-iwanan, damay rin ang kanilang mga estudyante,” sabi ni Binay. Gaya ng mga abogado na tuloy pa rin sa pag-aaral habang nagtatrabaho, kanyang sinabi na dapat na ganito rin ang mga guro – patuloy sa pagpapalawak…

Read More

BAM AQUINO, INENDORSO NI SEN EJERCITO

NAKIISA rin si Senador JV Ejercito sa mga mambabatas na nag-endorso sa kandidatura ni dating senador Bam Aquino bilang Senador para sa halalan sa Mayo. Sa kanyang video message sa Facebook, todo ang puri ni Ejercito kay Aquino na inilarawan niyang masipag at may dedikasyon sa trabaho. Patunay anya rito ang maraming batas na pinakikinabangan ng maraming Pilipino, kabilang na ang batas ng libreng kolehiyo. “Dahil sa sipag niya ngayon, libre na ang kolehiyo sa Pilipinas,” ani Ejercito, na nakatrabaho si Aquino sa Senado mula 2013 hanggang 2019 at tumayo…

Read More

ELEKSYON Magpapaloko na naman tayo?

KAPE AT BRANDY ni SONNY T. MALLARI MARAMI nang pambansang eleksyon ang naganap sa ating bansa at paulit-ulit lang na ginagasgas ng mga kandidato ang matatamis na mga pangakong ito: iaahon ang mga Pilipino sa kahirapan; pauunlarin ang bansa; magkakaroon ng trabaho ang mga wala; sasagana sa pagkain ang lahat; mumura ang presyo ng mga bilihin; magkakaroon ng kapayapaan at kapanatagan sa buong bansa, etsetera at etsetera pa. Sa kabuuan, gagawing isang parang paraiso ang bansa ni Juan de la Cruz sa mga binabalak nila. Pero pagkalipas ng maraming halalan…

Read More

PAGTATAAS NG TARIPA NG US, MASAMA SA BANSA

RAPIDO ni PATRICK TULFO HINDI maganda ang magiging epekto sa ating bansa ng labing-pitong porsiyentong taripa (tariff) na ipinataw sa ating mga produktong ini-export papunta sa US. Ito ay ayon kay Prof. Emmanuel Leyco, kilalang ekonomista at dating presidente ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM). Kinontra ni Prof. Leyco ang sinabi ng ilang miyembro ng gabinete ng administrasyon, na makikinabang ang bansa rito dahil pangalawa tayo sa pinakamababang tinaasan ng taripa kasunod ng Singapore. Sa paliwanag nito sa ating programa na may kapareho ring titulo na napakikinggan sa istasyong…

Read More

Batang Maynila, negosyante, lahat ay excited na sa pagbabalik ni Isko

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ISA sa matinding pagsubok sa liderato ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso noon ay hagupit ng pandemyang COVID-19 — na alam na alam ng katunggali niya na ngayon ay city mayor — na ang mga propagandista ay nagkakalat ng paninira, wagas sa kasinungalingan. Ibinaon daw ni Yorme Isko sa utang ang gobyerno ng Maynila noong pandemya! Teka, ang kalagayan ng lungsod, at ang buong bansa noon ay bagsak ang ekonomiya, marami ang walang trabaho at ikabubuhay pero kailangan na patuloy na mabuhay…

Read More

LIGTAS, MAGINHAWANG BIYAHE SA HOLY WEEK PINATITIYAK

NAGBIGAY ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na tiyakin ang kaligtasan at kaginhawahan ng lahat ng mga pasahero na maglalakbay sa kanilang sariling bayan o magbabakasyon ngayong Semana Santa. Sa katunayan, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na hindi lamang sa Department of Transportation (DOTr) nagbigay ng direktiba ang Pangulo kundi maging sa mga attached agency. “Ang direktiba po sa DOTr na dapat pong paigtingin ang kanilang pagmo-monitor sa nalalapit na pag-uwi…

Read More

SPEEDY JUDICIAL PROCESS IHIHIRIT NG DU30 CAMP SA ICC

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) UMAPELA ang defense team ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber para hindi tumagal ang proseso ng paglilitis at hindi ito mapagkaitan ng karapatan sa “speedy judicial process.” Ang hiling ng kampo ng dating pangulo ay may kaugnayan sa admission process sa mga biktimang magbibigay ng testimonya hinggil sa kasong crimes against humanity na isinampa laban kay Duterte. Nais nilang ang ICC Office of Public Counsel for Victims ang tanging payagang maging legal representatives ng mga biktima at hindi ang mga…

Read More

‘POLVORON VIDEO” PAKANA NI HARRY ROQUE?

TILA bumaliktad ang isang social media influencer matapos ikanta sa House Tri-Committee na si dating presidential spokesman Atty. Herminio ‘Harry’ Roque Jr. ang source ng ‘polvoron’ video na bahagi umano ng kampanya para ibagsak si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Sa kanyang sinumpaang salaysay, sinabi ni Vicente Bencalo ‘Pebbles’ Cunanan na unang pinag-usapan sa isang private dinner matapos ang Maisug rally sa Hong Kong noong July 7, 2024, ang ilalabas na larawan kung saan gumagamit ang isang tao ng cocaine na kamukha ni Marcos. “Ako ay naniniwalang si Atty. Roque…

Read More