ISINAGAWA ang manhunt operation laban kay dating Senior Fire Officer 2 (SFO2) Reyca Janisa Palpallatoc matapos mabigo ang mga awtoridad na maihatid ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Ronald August Tan ng Pasay City Regional Trial Court Branch 297. Ang warrant ay may kaugnayan sa kasong large-scale illegal recruitment sa Bureau of Fire Protection (BFP). Pinuntahan ng mga pulis ang ilang lokasyon na nauugnay kay Palpallatoc, kabilang ang kanyang dating opisina sa punong himpilan ng BFP at ang kanyang huling mga address sa Quezon City; Calamba, Laguna; at…
Read MoreBHW TUMANGGAP NG LIBRENG PANGKABUHAYAN – FPJ PANDAY BAYANIHAN PL
Atty. Wilson Austria, Brian Poe, FPJ Panday Bayanihan’s 1st Nominee, and Ms. Alegria Almahano, BHW Pangasinan Federation President UPANG bigyan kapangyarihan ang manggagawa sa pangkalusugan, pinangasiwaan ng FPJ Panday Bayanihan Party-List ang paglulunsad ng programang libreng pangkabuhayan nang magkasundo ang kinatawan ng iFern franchises at opisyal ng Barangay Health Workers (BHW) Federation ng San Carlos City, Pangasinan. Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sina Brian Poe Llamanzares, Marvin Casiño IFern Presidential Director, at Alegria Almajano, Pangulo ng BHW Federation ng Pangasinan para sa pormal na pagtataguyod ng ugnayan upang maipagkaloob…
Read More2 KASAMBAHAY PATAY SA SUNOG SA BINONDO
DALAWANG kasambahay ang iniulat na namatay sa nangyaring sunog sa isang condominium sa Binondo, Manila habang ipinagdiriwang ang Chinese New Year nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa nabanggit na condominium. Tumagal umano ang sunog ng mahigit isang oras bago naapula ang apoy pasado alas-5:00 ng umaga. Hinihinalang nag-panic ang dalawang biktima kaya na-trap ang mga ito. Agad namang kinordon ng mga tauhan ng Meisic Police Station 11 ang lugar…
Read More‘CHINESE SPY’ PANTAKIP SA BICAM SCANDAL?
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANINIWALA ang ilang geopolitical analyst na pantakip sa kontrobersyal na blanko sa bicam report ang pagkakahuli sa umano’y Chinese spy kamakailan. Nagpahayag ng pagdududa si Professor Herman Tiu Laurel na espiya ang mga naaresto kamakailan na kinabibilangan ng isang Chinese national. Aniya, bakit pa magpapadala ng tao ang China para lang mang-espiya gayong napaka-advance ng mga kagamitan nila. “Yung sinasabing intelligence daw na ginagawa nitong suspek magagawa po ng mga satellites, libu-libo na po ang satellite kung China ang gagawa ng surveillance and intelligence work satellite.…
Read MoreRomualdez natameme SABWATAN SA BICAM REPORT CONTROVERSY
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) PARA kay dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo, maaaring nagpapahiwatig ng pakikipagsabwatan sa kontrobersyal na blankong bicam report ang pananahimik ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa gitna ng kontrobersya ay maraming pumupuna sa hindi pagsasalita ni Speaker Martin Romualdez. Gayundin ng dating chairman ng House appropriations committee na si Zaldy Co. “Ang hindi nila pagsasalita, ibig sabihin ay complicit sila, kasama sila sa sabwatan ng paglalagay ng blanko.. nilagyan nila ng figures bago ipinadala kay President Marcos,” ani Panelo sa kanyang programa sa…
Read MoreSURVEY, CELEB ENDORSEMENT BABANTAYAN NG COMELEC
PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na subaybayan ang political survey na maaaring makaimpluwensya sa mga botante sa darating na eleksyon 2025. Susubaybayan din ng komisyon ang endorsement sa mga kandidato ng celebrities at influencers at hindi tatanggapin ang karaniwang dahilan o excuse na libre ang pag-endorso. Kailangang ideklara ng mga kandidato ang gastos sa kanilang Statement of Contributions at Expenditures na isasapubliko ng Comelec. Idinagdag pa ng poll body na tinitingnan din nito ang pagsubaybay sa political surveys. Lumagda ang Comelec at Tiktok sa isang memorandum of understanding para…
Read MoreMAYOR NA TURO NANG TURO, BAKA MANUNO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TABI, tabi naman po mayor, sa paulit-ulit n’yong panunuro baka ikaw po ay manuno. Naalala ko ang laging pabaong tagubilin ng akong lola na kapag malapit sa ilog, gubat o sa ilang na lugar ay huwag akong turo nang turo, baka raw ako manuno. Eh, ayokong dinadala ako ke Impong Kepweng kaya sinusunod ko si lola. Takot ako sa santigwar. Eto ngayon, may mayor na baka raw manuno dahil sa madalas na pagtuturo. Naku, hirap na maghanap ngayon ng mangtatawas. Tuwing nababasa ko kasi ang mga…
Read MoreUNAHIN ANG MGA WALANG TRABAHO SA PINAS
DPA ni BERNARD TAGUINOD MAY ilang politiko ang sumasakay sa isyu ng mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika na nakatakdang pauwiin o i-deport dahil seryoso si United States (US) President Donald J. Trump na linisin ang kanilang bansa sa illegal migrants. Mahigit 370,000 ang bilang ng mga ito at nangangamba ang ilang politiko sa kanilang magiging kalagayan pagdating nila sa Pilipinas na kesyo baka raw wala silang hanapbuhay kaya pinaghahanda ng mga politikong ito ang mga ahensya para sila bigyan ng trabaho. Mapaiiling ka na lang dahil mas…
Read MoreELECTION OFFENSE VS TARLAC GOV ISINAMPA SA COMELEC
PUNA ni JOEL O. AMONGO ISINAMPA sa COMELEC ang reklamong material misrepresentation laban kay Governor Susan Yap, na isang election offense, pagkansela ng kanyang Certificate of Candidacy at alisin ito sa listahan ng mga kandidato sa darating na May 2025 national and local elections. Ang reklamo ay inihain ng mga opisyal ng Brgy. Tibag, Tarlac City na sina Punong Barangay Jay-Ar Capulong Navarro at barangay kagawads na sina Larry Espinosa, Mark Campos, Remigio Tabane, Jovelyn Navarro, Wilson Sapad at Dave Basilio. Sa kanilang reklamo, inilahad nila ang mga patunay ng…
Read More