DINAMPOT ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 13 undocumented Chinese nationals sa isang dredging vessel na naka-angkla sa Mariveles, Bataan. Ayon sa impormasyong ibinahagi ni Commodore Jay Tarriela, Tagapagsalita ng PCG para sa WPS, ang sasakyang pandagat na Harvest 89 ay nag-abiso na bibiyahe patungong San Felipe, Zambales para sa dredging operations. Sa kabila nito, nagduda ang PCG nang tumanggi ang ahente ng barko na payagan silang mag-inspeksyon sa kadahilanang kumpleto naman ang kanilang mga dokumento. Dahil dito, mas ginawang masusi ang inspeksyon ng PCG sa Limay Substation at nakita…
Read MoreSULU MABOBOKYA SA PONDO
MABOBOKYA sa pondo ang lalawigan ng Sulu kung hindi agad kikilos ang Department of Budget and Management (DBM) para pondohan ang mga pangangailangan ng nasabing lalawigan, partikular na sa serbisyo at pagpapasweldo sa mga empleyado. Ginawa ni House Deputy Minority Leader Basilan Rep. Mujiv Hataman ang babala matapos maging pinal ang desisyon ng Korte Suprema na ihiwalay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang lalawigan ng Sulu. “Hindi maaaring maantala ang mga serbisyong ng lokal na pamahalaan ng Sulu. Nananawagan ako sa DBM at iba pang ahensya na…
Read MoreKASANAYAN SA TUPAD BENEFICIARIES TIYAKIN – REP. NOGRALES
IGINIIT ng chair ng House of Representatives labor and employment committee na kailangan magkaroon ng kasanayan (skillset) ang mga benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) program para magamit nila habang nagtatrabaho sa pamahalaan. “We can improve the value of the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) program by providing our beneficiaries with opportunities to gain new knowledge that would give them a better chance at finding employment or starting small businesses,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles. Ang TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE)…
Read MorePanawagan kina Marcos, Duterte ‘TIGIL-PUTAKAN’ PARA SA BAYAN
(CHRISTIAN DALE/DANG SAMSON-GARCIA) UMAPELA na ang iba’t ibang indibidwal at grupo sa kampo ng mga Marcos at Duterte na pahupain ang tensyon para sa kapakanan ng bayan. “Cool it down for the sake of the country,” ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa lumalalim na away nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. “I think the less we talk about that, the better. My God, we are one country, one people. We have to fight our political debates in a very straightforward manner.…
Read MoreP2-B BRIBERY ISSUE SA NFA BINUHAY SA KAMARA
MATAPOS ang anim na taon, binuhay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso umano’y P2 billion bribery issue noong panahon ni dating National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino. Sa pagdinig ng Quinta Committee hinggil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, binanggit ng lead chair nito na si Albay Rep. Joey Salceda ang nasabing isyu sa NFA noong 2018. “No one has gone to jail for allegations of bribery in obtaining import permits, or for the NFA’s failure to undercut cartels by diverting palay procurement funds to loan…
Read MoreBONG GO MAY CLOSE FRIEND NA DRUG LORD – PDEA
KAIBIGAN ni dating Special Assistant to the President (SAP) at ngayo’y Senator Christopher “Bong” Go ang isa sa mga Chinese drug lord na si Alan Lin. Ito ang bahagi ng matrix na iprinisinta ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director General Renato Gumban sa ika-12 pagdinig ng House Quad committee sa illegal drugs, Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at Extra-Judicial Killings (EJK). Base umano sa mapagkakatiwalaang impormante ng PDEA, si Alan Lin ay gumagamit ng iba’t ibang pangalan tulad ng Jeffrey Lin, Ayong Lin at Weng Li Chen. “According…
Read MoreBAKIT ‘DI NABUBUWAG ANG RICE CARTEL
DPA ni BERNARD TAGUINOD ANO bang kapangyarihan meron ang mga rice cartel na hindi kayang buwagin ng gobyerno? Nagsimula ako sa propesyong ito sa unang bahagi ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel Ramos at isyu na noon ang rice cartels na nagmamanipula sa presyo at kumokontrol sa supply ng bigas sa Pilipinas. Ilang administrasyon na ang pumalit at ilang imbestigasyon na rin ang ginawa ng Kongreso, hindi lamang ng Kamara kundi ng Senado pero bakit hindi pa nabubuwag ang sindikatong ito at wala pa yatang nakukulong. Marami na ring mga…
Read MoreTAMBALANG LION KING NG TAYTAY
PUNA ni JOEL O. AMONGO SA bayan ng Taytay na kilala bilang Garments Capital of the Philippines, may dalawang lokal na opisyal na sukdulan ang siba sa kwarta – sina Alanis the Lion at ang tuta niyang si King Elefante. Sa loob lang ng dalawa’t kalahating taon, hindi biro ang kanilang ginawang kwarta sa paraan ng ghost delivery, SOP sa mga kontrata, at overpricing sa procurement deals sa munisipyo. Gayunpaman, sadya yatang walang kabusugan ang tambalang LION KING na nakaisip ng bagong diskarte — ang magpapasok ng mga kapitalista’t negosyante.…
Read MoreKAPAG NAGLABAN ANG MGA PINUNO, TALO ANG BANSA
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ANG political drama sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte ay tumaas sa nakababagabag na antas. Ang nagsimula bilang banayad na hindi pagkakasundo ay nauwi na ngayon sa tensyon sa publiko, kung saan iniulat na naglabas si Duterte ng bantang kamatayan laban sa Pangulo—isang pahayag na ikinagulat ng bansa. Ang away na ito, na pinalalakas ng social media, ay hindi na isang tunggalian sa pulitika. Naging delikadong distraksyon na ito sa mga totoong isyu na bumabagabag sa Pilipinas.…
Read More