MARY GRACE PIATTOS KATHANG-ISIP LAMANG?

LALONG nakukumbinsi ang House committee on good government and public accountability na kathang-isip lamang ang Mary Grace Piattos na kabilang sa mga recipient ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP). Ayon kay Zambales Rep. Jay Khonghun, mahigit isang linggo na mula nang ianunsiyo ng mga ito na magbibigay sila ng P1 milyon para sa makapagtuturo kung saan matatagpuan o sa pagkakakilanlan ni Mary Grace Piattos ngunit walang tumutugon. “Hindi ba interesado si Mary Grace Piattos sa isang milyong pabuya kapalit ng kanyang paglantad?,” ani Khonghun sa press…

Read More

Sa patuloy na pagtangging magpa-drug test VP SARA NANINIWALANG ‘ADIK’ SI PRES. MARCOS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANINIWALA si Vice President Sara Duterte na ‘drug addict’ si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil patuloy itong tumatangging sumailalim sa drug test. Ang pahayag ay bilang pagsang-ayon na rin ni VP Sara sa amang si dating pangulong Rodrigo Duterte na naunang nagbanggit ng naturang akusasyon. Sa kanyang pagharap sa media kahapon, sinabi ni VP Sara na sang-ayon siya sa komento ng ama na ang Pilipinas ngayon ay may “fractured governance” at “drug addict” na presidente. “I agree with fractured government. I agree with the assumption that…

Read More

DU30: GOBYERNO NILUSTAY PONDO NG PHILHEALTH

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) TAHASANG sinabi ni dating pangulong Rodrigo Duterte na nilustay ng gobyerno ang pondo ng PhilHealth sa kanyang press conference kamakalawa ng gabi. Aniya, dapat malaman ng mga Pilipino ang pagkaubos ng pondo ng health insurer. “Tingin ko ang mas mabigat na problema na dapat malaman ng Pilipino is nag-hemorrhage ang country. Pati ‘yung PhilHealth nga na hindi sa gobyerno, contribution natin iyan.” “Government malversed the money of the people. Ginamit mo ang pera? Even the Congress cannot do that. Trust fund iyon eh,” ani Digong. “Ang…

Read More

RICE IMPORTERS, CARTEL LANG NAKINABANG EO 62 NI MARCOS

KUNG merong nakinabang sa Executive Order (EO) 62 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagbaba sa taripa sa mga imported na bigas, ay ang rice importers at rice cartels, at hindi ang mga consumers at mga magsasaka. Ito ang lumabas sa unang pagdinig ng Quinta committee na binuo para alamin ang puno’t dulo ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin kahit maraming batas na umano ang nagawa para protektahan ang mga consumers at masiguro na may sapat na supply ng pagkain. “Laws are in place to guarantee…

Read More

PANGANGALAGA SA WETLAND ISINULONG NI VILLAR SA 10TH ASIAN WETLAND SYMPOSIUM

NAGSALITA si Senator Cynthia A. Villar sa mga delegado ng 10th Asian Wetlands Symposium sa welcome dinner na itinataguyod ng Villar Foundation noong Nob. 25 sa Villar Hall, Las Piñas City. MULING isinulong ni Senadora Cynthia A. Villar ang mahalagang papel ng wetlands sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran sa ginanap sa 10th Asian Wetlands Symposium, noong Nobyembre 25, 2024, sa Villar Hall sa Las Piñas City. Ang nasabing okasyon na dinaluhan ng mga delegado mula sa Society for the Conservation of the Philippine Wetlands (SCPW), Ramsar Regional Center –…

Read More

DOE PUPPET NG OIL COMPANIES – FORMER SOLON

TINAWAG ng isang dating mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Department of Energy (DOE) na puppet ng mga kumpanya ng langis dahil imbes na protektahan ang mga consumers ay sila pa ang unang nagdedepensa sa oil price increase. “The DOE has become nothing but a mouthpiece of oil cartels, readily accepting their justifications for price increases without scrutiny. Instead of protecting the people’s interests, they have become enablers of corporate greed,” ani dating Bayan Muna party-list rep. Ferdinand Gaite. Ginawa ng militanteng opisyal ang nasabing pahayag dahil muling magpapatupad…

Read More

BATANG LALAKI NALUNOD SA ILOG SA BATANGAS

BATANGAS – Nalunod ang isang 12-anyos na batang lalaking estudyante nang maligo sa isang ilog sa bayan ng Ibaan sa lalawigan noong Lunes. Kinilala ang biktimang si Rigor Perez Mangubat, residente ng Brgy. Quilo, Ibaan, Ayon sa report ng Ibaan Police, nagtungo sa ilog sa Sitio Sagingan, Brgy. Coliat, ang biktima kasama ang ilang kaibigan para maligo. Makaraan ang isang oras, hindi namalayan ng mga kasama na lumubog na pala ito sa tubig at hindi na lumutang. Nadiskubre lamang itong nawawala nang mag-uuwian dakong ala-1:00 ng hapon. Hinanap nila ang…

Read More

AFP DEDMA SA ‘SULSOL’ NI DIGONG

NILINAW kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila kailangan magsagawa ng loyalty check sa kanilang hanay o sa buong organisasyon sa gitna ng mainit na mga usaping pulitikal sa bansa. Ayon sa AFP, walang sundalong papatol sa mga sulsol o pasaring ng iilan para mag-aklas laban sa lehitimong pamahalaan dahil nananatiling buo, matatag at isang professional organization ang Hukbong Sandatahan. Kamakailan sa isang pulong balitaan ay nagpasaring ang dating pangulong Rodrigo Duterte na military lamang ang maghihilom ng pilay sa pulitika at sa nangyayari sa…

Read More

DA KINASTIGO NI REP. ERWIN TULFO SA KABIGUANG MAPABABA PRESYO NG BIGAS

KINASTIGO nitong Martes ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang Department of Agriculture (DA) dahil umano sa kawalan ng aksyon ng ahensya para mapababa ang presyo ng bigas sa kabila ng ibinabang taripa at pagbaba ng presyo nito sa world market. Sa isinagawang pagdinig para sa Murang Pagkain Supercommittee ng House of Representatives na binuo sa pamamagitan ng House Resolution No. 254 ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, kinuwestiyon ni Tulfo ang DA kung bakit hindi bumababa ang presyo kahit na ayon sa monitoring…

Read More