NILINAW kahapon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila kailangan magsagawa ng loyalty check sa kanilang hanay o sa buong organisasyon sa gitna ng mainit na mga usaping pulitikal sa bansa. Ayon sa AFP, walang sundalong papatol sa mga sulsol o pasaring ng iilan para mag-aklas laban sa lehitimong pamahalaan dahil nananatiling buo, matatag at isang professional organization ang Hukbong Sandatahan. Kamakailan sa isang pulong balitaan ay nagpasaring ang dating pangulong Rodrigo Duterte na military lamang ang maghihilom ng pilay sa pulitika at sa nangyayari sa…
Read MoreDA KINASTIGO NI REP. ERWIN TULFO SA KABIGUANG MAPABABA PRESYO NG BIGAS
KINASTIGO nitong Martes ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang Department of Agriculture (DA) dahil umano sa kawalan ng aksyon ng ahensya para mapababa ang presyo ng bigas sa kabila ng ibinabang taripa at pagbaba ng presyo nito sa world market. Sa isinagawang pagdinig para sa Murang Pagkain Supercommittee ng House of Representatives na binuo sa pamamagitan ng House Resolution No. 254 ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, kinuwestiyon ni Tulfo ang DA kung bakit hindi bumababa ang presyo kahit na ayon sa monitoring…
Read More45 opisyal sa E. Visayas pumalag VP SARA BINATIKOS SA WALANG INGAT, MAPANGHATING AKSYON
NAGSAMA-SAMA ang 45 matataas na opisyal ng Eastern Visayas sa pagkondena kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng walang ingat at mapaghating aksyon nito laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. Pinangunahan nina Leyte Rep. Anna Victoria Veloso-Tuazon, Biliran Rep. Gerardo “Gerryboy” J. Espina Jr., at Samar Reps. Reynolds Michael Tan at Stephen James Tan, ang kabuuang 45 opisyal sa paglalabas ng Joint Manifesto of Indignation kung saan kanilang sinabi na ang mga aksyon ni Duterte ay insulto sa mga Waray at kanilang…
Read MoreTULAK NASILO SA P476K SHABU
ARESTADO ang isang 30-anyos na lalaki sa ikinasang anti-illegal drug operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Police Station 9 ng Manila Police District, sa Roxas Boulevard, Barangay 720, Malate, Manila kahapon ng madaling araw. Kinilala ang arestong suspek na si alyas “Leandro Vega”, jobless, residente ng Pasay City. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Celso Sorita Jr., hepe ng SDEU, kay Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, station commander, bandang alas-3:30 ng madaling araw nang ikasa ng mga operatiba ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip…
Read MoreBINATILYO MALUBHA SA SAKSAK NG 2 SIGA
MALUBHA ang kalagayan sa pagamutan ng isang 18-anyos na binatilyo makaraang saksakin ng dalawang siga sa panulukan ng Moriones at Sto. Cristo Streets, Tondo, Manila noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si alyas “Mark Ace”, residente ng Brgy. 73, Tondo, Manila. Nagsasagawa naman ng “Oplan Galugad” ang mga operatiba ng Asuncion Police Community Precinct, sakop ng Manila Police District – Moriones Police Station 2, upang madakip ang dalawang suspek na sina alyas “Jepjep” at “Bugoy”. Ayon sa ulat nina Police Corporal Philip Sarmiento at Police Master Sergeant Jesus Lumabao,…
Read MorePAG-ABUSO NI ROMUALDEZ KINUKUNSINTI NI BBM – VP SARA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) INAKUSAHAN kamakailan ni Vice President Sara Duterte si House Speaker Martin Romualdez na inaabuso ang pera ng bayan ngunit hinahayaan lamang umano ito ni Pangulong Bongbong Marcos. Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na may mga video at mga testigo laban sa pagwaldas umano ni Romualdez sa pondo ng bayan. Ngunit kahit may mga reklamo ay tila kinukunsinti ito ng pinsang si Pangulong Marcos Jr. kaya hindi ito tinatanggal sa pwesto. Pinuna rin nito ang pag-iikot ng grupo ni Romualdez para mamigay ng ayuda na aniya…
Read MoreVP SARA PANTAKIP SA KORUPSYON NG MARCOS ADMIN
(CHRISTIAN DALE) MULING binira ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang hamunin nito sa kanyang Facebook live, Linggo ng gabi ang matataas na opisyal ng gobyerno na sumailalim sa drug test at paalalahanan ang kanyang mga tagasuporta na mayroong karapatan ang mga ito na magdaos ng mapayapang pagtitipon. Sa isang live video sa kanyang social media page, sinabi ni VP Sara na ginagamit siya ng kanyang kaaway para itago ang kanilang korupsyon. “Wala na kayong mapuna sa akin. Pinagtatakpan ninyo ang mga kakulangan ng pamahalaan. Ako…
Read MoreVP SARA PASASAGUTIN SA ‘KILL ORDER’
IPATATAWAG ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang gobyerno ukol sa “kill order” ng huli laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa press briefing sa Malakanyang nitong Lunes, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na nagsimula na ang ahensya ng pag-iimbestiga nito sa ‘online threat’ ni VP Sara. Sinabi ni Santiago na hiniling na ng NBI sa social media giant na Facebook na ipreserba at ingatan ang video para sa nagpapatuloy na imbestigasyon, sinasabi pa na ang video ay authentic…
Read MoreSa gitna ng bangayan sa pulitika TROOP MOVEMENT ITINANGGI NG AFP
FAKE NEWS! Ito ang mariing katugunan ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippine (AFP) hinggil sa mga paskil na kumakalat online na may nagaganap ng mobilisasyon ng mga sundalo. “The posts circulating online, claiming that the Armed Forces of the Philippines (AFP) has initiated the mobilization of troops in connection with current events, are completely false and misleading.” Ayon sa AFP, ang malisyosong pahayag ay nagmula sa mga hindi mapagkakatiwalaang sources at hindi sinusuportahan ng anomang official AFP releases. “Such misinformation only serves to create unnecessary panic and confusion.…
Read More