SEN. BONG GO: ITIGIL ANG BANGAYAN, UNAHIN ANG SERBISYO

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG SA gitna ng kontrobersiya ukol sa pagkakadetine ni Atty. Zuleika Lopez, Chief of Staff ni Vice President Sara Duterte, nanawagan si Sen. Christopher “Bong” Go ng pagkakaisa at pagtutulungan sa hanay ng mga lider ng bansa. Idiniin ni Go na ang kapakanan ng ordinaryong Pilipino ang dapat mangibabaw sa gitna ng mga hidwaang pampulitika. Ayon sa kanya, hindi kontrobersya at awayan ang kailangan ng sambayanan, kundi maayos na serbisyo mula sa gobyerno. Binatikos niya ang umano’y pang-aabuso sa kapangyarihan ng contempt na nagiging sanhi…

Read More

UTOS NG MALACAÑANG NA I-DEPORT ANG 41 POGO WORKERS DINEDMA NI BI KUME?

BISTADOR ni RUDY SIM TILA malapit na raw sumambulat na parang Bulkang Pinatubo ang pilit nang pinatatahimik na sikreto tungkol sa recognizance ng 41 foreigners na hinuli ng Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), sa kanilang case-build up and apprehension sa alleged POGO hub sa bayan ng Bagac, Bataan. Sa mga hindi pa ipinanganganak taong 1991, pilit na ginawan ng paraan ng mga sundalong Amerikano sa Subic na pigilan ang pagputok ng Pinatubo na kilala sa kasaysayan bilang pinakamalakas na pagsabog sa 20th century. Ganoon pa man, sa kabila ng makabagong…

Read More

P38 MILLION HALAGA NG SHABU HINALUAN NG SEMENTO

ITO ang ginawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) para sirain ang nasa 5.6 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng ₱38,225,128.11 sa kanilang hall of justice sa Jolo, Sulu. Ang nasabing sistema na ginamit ng BARMM PDEA Regional Office ay kakaibang pamamaraan ng pagsira sa ipinagbabawal na droga na kinilalang “rendering inert,” na nagresulta para kilalanin ang PDEA BARMM bilang kauna-unahang regional office na nag-iimplementa ng kakaibang estilo ng drug destruction. Ayon sa PDEA Public Information Office, ang pamamaraan…

Read More

EXTENSION NG MEDICAL FURLOUGH NI QUIBOLOY, APRUB SA KORTE

INAPRUBAHAN ng korte sa Pasig City na dumidinig sa kaso ni Pastor Apollo Quiboloy, leader at founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang hiling nito na extension ng medical furlough hanggang Nobyembre 27. Ito ang inihayag ng abogado ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon, matapos makumpirma ng korte na nagkaroon ng impeksyon ang dental implants ng religious leader. “It was approved until Wednesday. Mataas na diskusyon po pero na-approved naman. There will be a medical furlough for Pastor Apollo Quiboloy,” ang pahayag ni Torreon. “Hindi ko pwedeng isiwalat…

Read More

FPJ PANDAY BAYANIHAN, TULOY-TULOY SA PAGTULONG

(SINABAYAN si Brian Poe ng mga kabataang estudyante na sumenyas ng numero tres, ang opisyal na pagkahanay sa balota ng FPJ Panday Bayanihan partylist.) WALANG humpay ang FPJ Panday Bayanihan partylist sa pagtugon sa mga pamayanan hindi lang sa pagsuporta sa mga biktima ng kalamidad kundi maging sa legal at teknikal na pagtulong at pag-agapay sa kabataang mag-aaral. “Sa nakalipas na linggo at hanggang sa mga sumandali ay patuloy na inaagapayan ng FPJ Panday Bayanihan partylist na makabangon ang ating mga kababayan na biktima ng pananalasa ng malalakas na bagyo,…

Read More

SEGURIDAD, KAAYUSAN AT MAPAYAPANG ELEKSYON TARGET NG COMELEC

TULOY-TULOY ang pakikipag-ugnayan ng Commission on Elections (Comelec) sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines, ang dalawang pangunahing deputized security force nito sa panahon ng eleksyon para matiyak na magiging ligtas, maayos, payapa, at credible ang gaganapin May 2025 Midterm election. Una nang inihayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na tututukan ng komisyon ang anomang magiging banta sa kaligtasan o karahasan sa panahon ng halalan. Ayon kay Chairman Garcia, gagawin lahat ng komisyon para maiwasan ang anomang kaguluhan kapag pumasok na ang election period. Magugunitang hiniling…

Read More

MAYNILA PUMASOK SA KASUNDUAN PARA MAGING TOTALLY DRUG FREE

UPANG makamit ang totally drug-free city at maghatid ng tulong sa pamamagitan ng rehabilitation para sa drug users, ang pamahalaang lungsod ng Maynila ay pumasok sa isang kasunduan sa pagitan ng ilang ahensya ng gobyerno. Nilagdaan ni Mayor Honey Lacuna, kasama sina Vice Mayor Yul Servo at Secretary to the Mayor Marlon Lacson, ang memorandum of agreement sa pagitan ng TESDA, National Center for Mental Health, Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center, Caritas Manila, La Salle Greenhills at Manila Anti-Drug Abuse. Ang agreement signing ay nataon sa observance ng…

Read More

BATA PATAY SA PUMUTOK NA BARIL NG AMANG PULIS

PATAY ang isang 8-anyos na batang lalaki makaraang tamaan ng bala ng nahulog umanong baril ng kanyang ama na miyembro ng Northern Police District, sa Leandro Street, Barangay 35, Tondo, Manila noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Dan Rycel habang ang ama nitong pulis na si Police Master Sergeant Dan Ryan, nasa hustong gulang, ay isinailalim sa masusing imbestigasyon ng Manila Police District – Homicide Section, na pinangasiwaan ni Police Captain Dennis Turla. Ayon sa ulat ng Asuncion Police Community Precinct, sakop ng MPD- Moriones Police Station 2,…

Read More

TOP 5 MWP SA ROBBERY SA MAYNILA, NATIKLO

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang 18-anyos na binatilyo na itinuturing na no. 5 most wanted person sa kasong robbery, sa panulukan ng Tayuman St. at A.H. Lacson Avenue, Sta. Cruz, Manila noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang suspek na si alyas “Jomar”, 18, residente ng Barangay 373, Sta. Cruz, Manila Base sa ulat ni Police Major Renz Krizztoper Figueroa, hepe ng Warrant and Intelligence Section ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3, na pinangangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, station commander, bandang alas-11:30 ng umaga…

Read More