MGA BARIL NI DELA ROSA KUKUMPISKAHIN KAPAG ‘DI ISINUKO

KUKUMPISKAHIN ng Philippine National Police (PNP) ang mga baril ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa kapag hindi niya isinuko ang mga ito matapos kanselahin ang kanyang firearms licenses.

Inalmahan naman ng kampo ni Dela Rosa ang hakbang ng pulisya kaugnay sa revocation ng kanyang gun licenses.

Gayunman, nanindigan ang PNP sa legalidad ng kautusan na bawiin o ipawalang-bisa ang lisensya ng mga armas ng senador.

Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Allan Rae Co, inaprubahan ang revocation sa ilalim ng Section 4-G ng Republic Act 10591 laban sa mga indibidwal na may pending criminal case na may imposable penalty na higit sa dalawang taon.

Nilinaw naman ni Co na maaari pang iapela ni Dela Rosa ang revocation order na inilabas ng Firearms and Explosives Office bilang bahagi ng due process.

(TOTO NABAJA)

69

Related posts

Leave a Comment