Jehova Jireh

HOPE ni GUILLER VALENCIA

AND Abraham called the name of the place, [c] The Lord-Will-Provide [Jehovah Jireh]; as it is said to this day, “In the Mount of the LORD it shall be provided,” Genesis 22:14.

Ang text natin ay ang karanasan ng mag-amang Abraham at Isaac. Na kung saan sinubok ang pananampalataya ni Abraham kung paano siya susunod sa kalooban ng Panginoon Diyos. Sa istorya, sinasabi na sinunod ni Abraham ang utos ng Panginoon na ihandog ang nag-iisang anak niya na si Isaac.

Sa kanilang pagtugon sa utos ay nagtanong si Isaac kay Abraham kung nasaan ang ihahandog nila sa Panginoon na ilalagay sa altar. Ang tugon ni Abraham ay ang Panginoon ay magkakaloob (The Lord will provide o Jehovah Jireh).

Indeed, ang Panginoong Diyos ay nagkaloob ng tupa para iyon ang ihandog sa halip na si Isaac! Amazing! Jehovah Jireh! The Lord will provide! Ang Diyos ay magkakaloob!

Mga kaibigan, sa ating buhay sa araw-araw, ‘di ba kung iisipin natin paano tayo nabubuhay, kumakain, umiinom ng tubig, ang hangin na ating nilalanghap at iba pang kailangan natin sa buhay. Jehovah Jireh, mula pa noon sa paglikha sa sangkatauhan ay inuna ng Panginoong Diyos ang tubig, pagkain sa karagatan, kabundukan, pati hangin, sikat ng araw, at liwanag sa gabi. Ang lahat ng mga ito ay inihanda muna ng Diyos bago niya nilikha ang tao.

Our Lord God, Jehovah Jireh, provided everything! Ang Panginoong Diyos ang nagkakaloob ng pangangailangan ng tao: Mabuti man o masamang tao. Ang Diyos ay nagpapaulan sa mabubuti at masasama. Subalit, lalo siyang nagpapala sa mga anak niya, Sapagkat alam niya ang needs nila sa tuwi-tuwina!

Kaya mga kaibigan, kung gusto mong tanggapin lalo ang biyaya at pagpapala ng lumikha sa langit at sa lupa, kailangan natin tanggapin ang kanyang bugtong na anak na si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas!

Magkagayon, tayo ay bibigyan ng karapatan na maging anak ng ating Amang nasa langit. John 1:12, “But as many as received him, to them gave the power to become the sons of God, even to them that believe him.”

55

Related posts

Leave a Comment