FORCE MAJEURE HINDI APPLICABLE – DRILON

RAPIDO ni PATRICK TULFO

NATATAWANG sinagot ni dating Senador Frank Drilon ang katanungan natin sa programang “Rapido Ni Patrick Tulfo” tungkol sa sinabi ni Sen. Robin Padilla na pwedeng gawing basehan ng Force Majeure ang nangyayaring kaguluhan sa Gitnang Silangan, sa isinusulong na online conferencing sa mga hearing sa Senado.

Ayon kay Drilon, hindi applicable na ipatupad ito dahil napakalayo naman ng Pilipinas sa Gitnang Silangan. Hindi umano maaapektuhan nito ang pagdadala ng mga dokumento sa Senado para sa mga gagawing pagdinig.

Ang Force Majeure o Supreme Force ay mga bagay na ‘di inaasahan o mga hindi ordinaryong pangyayari katulad ng mga natural disaster. Wala naman nito ang Pilipinas para pagbigyan ang hiling na isinusulong ng mayorya sa Senado.

Matatandaang kinuwestyon din ni Sen. Erwin Tulfo ang tila pagmamadali upang amyendahan ang mga alituntunin sa pagdinig sa impeachment trial kay VP Sara Duterte. Minamadali raw ba ito dahil sa balitang may aarestuhin pang dalawang senador na ngayon ay kabilang sa mayorya.

Sinabi rin ni Sen. Drilon, sakaling payagan ang remote voting, maaaring i-deny ng Senate president ang mga gagawing pag-subpoena sa mga bank account ng bise presidente. Kapag nangyari umano ‘yun, hindi malalaman ng taumbayan kung ano ang totoo.

Maganda rin umanong nakatutok ang taumbayan sa gagawing pagdinig, sa ganitong paraan ay magkakaroon ng discretion o sariling pagpapasya ang taumbayan sa itatakbo ng pagdinig.

74

Related posts

Leave a Comment