NASA huling yugto na ng paghahanda ang Commission on Elections (Comelec) para sa Bangsamoro parliamentary polls sa Oktubre dahil ang pag-imprenta ng mga opisyal na balota ay magsisimula sa Agosto 24.
Ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco, sisimulan ang pag-imprenta ng halos nasa 2.215 milyon na official ballots.
Handa na rin aniya ang local source code. Natapos na rin ang field testing at ang mock elections na naging matagumpay.
Kasunod nito ay magsasanay ng electoral boards at ang deployment na lamang ang huling natitirang paghahanda ng Comelec.
Nagsagawa na rin ng mock elections ang Comelec noong Hulyo 26 sa ilang lugar sa Lanao del Sur at Tawi-tawi bilang paghahanda sa kauna-unahang parliamentary polls sa rehiyon noong Oktubre 13. Nagsimula ang botohan alas-7 ng umaga at natapos ng alas-10 ng umaga.
Nasa 73 puwesto lamang ang makukuha sa eleksyon sa Oktubre dahil ang pitong puwesto na dating inilaan sa Sulu, ay itinuturing na pansamantalang bakante.
Gayunman, sinabi ng Comelec na wala pang development hinggil sa posibilidad ng muling pamamahagi ng inilaang mga puwesto para sa Sulu.
(JOCELYN DOMENDEN)
