Panawagan ng ilang celebrities DEATH PENALTY VS KURAKOT

NANAWAGAN ang ilang malalaking artista na lumahok sa malaking kilos-protesta sa Rizal Park, Maynila at EDSA People Power Monument na ibalik ang death penalty laban sa mga corrupt public official at mga sangkot sa multi-billion flood control projects sa buong bansa.

Pinangunahan ni Vice Ganda ang hanay ng entertainment personalities na lumahok sa “Trillion Peso March Sa EDSA” at “Baha Sa Luneta: Aksyon na Laban sa Korapsyon” na idinaos sa mismong araw ng paggunita sa Martial Law declaration. Kasama niya sina Anne Curtis, Donny Pangilinan, Jasmine Curtis-Smith, Darren Espanto, Andrea Brillantes, Julia Barretto, Jodi Sta. Maria, Angel Aquino, at marami pang iba.

Hirit ng mga artista: ibalik ang death penalty para sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, lalo na ang mga sangkot sa multi-billion flood control projects na hindi natupad. Giit nila, magiging malaking pamana ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. kung mapapanagot ang mga magnanakaw sa kaban ng bayan.

Ayon sa organizers, tugon ang malawakang protesta sa mga ulat ng maling paggamit ng pondo na dapat sana’y para sa mga proyektong pangontra sa pagbaha. Marami pang artista ang gumamit ng social media para ipanawagan ang transparency at pananagutan mula sa gobyerno.

Babala ng mga organizer, simula pa lang ito ng mas malawak na kilusan. Tuloy-tuloy ang laban para matiyak na ang bilyong pondo ng bayan ay mapupunta sa tamang proyekto—at hindi sa bulsa ng mga kurakot.

(JESSE RUIZ)

51

Related posts

Leave a Comment