PAGTATAYO NG VIROLOGY INSTITUTE SUPORTADO NI GO

SUPORTADO ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang panukalang magtayo ng Philippine Virology Institute sa New Clark City upang magkaroon ang bansa ng sariling paglikha ng gamot at pananaliksik hinggil sa lahat ng uri ng virus.

Sa pahayag, sinabi ni Go na hindi niya titigilan ang pagsusulong sa pag-institutionalize sa Virology Institute of the Philippines kasabay ng pag-welcome sa efforts din ng concerned government agencies tulad ng Department of Science and Technology (DOST) para maitayo ang pasilidad sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Ayon kay Go, gagawin niya ang lahat para ipaglaban ang pagpasa sa Virology Institute bill sa Kongreso dahil malaking tulong aniya ito para sa pagbuo ng kapasidad ng bansa sa vaccine development and manufacturing para hindi na masyadong umasa ang Pilipinas sa international market ng mga bakuna.

Sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan ang DOST sa Bases Conversion and Development Authority at Department of Public Works and Highways para sa lupa na pagtatayuan para masimulan na ang pagpapatayo nito sa susunod na taon.

Sa ilalim ng panukala ay magkakaroon ng biosafety laboratories na may maximum containment level ang VIP facility na magiging kauna-unahan sa Pilipinas.

Giit ni Go, hindi masasabi kung may mga pandemya pang darating kaya mabuti nang proactive ang Pilipinas at para magkaroon na rin ng kapasidad na gumawa ng sariling bakuna ang bansa.

Kinumpirma rin ng DOST na magkakaroon ng greenhouse at animal house para sa pland and animal virus research.

Inihayag din ng DOST na marami nang Filipino Virologist sa ibang bansa ang nagpahayag ng interes na umuwi ng bansa para magtrabaho sa VIP.

Matatandaan na mayroon nang nailaan ang Department of Budget and Management na P50 million para sa design at P284 million para naman sa initial project ng institution. (ESTONG REYES)

160

Related posts

Leave a Comment