CONG. ARNEL TY: SERBISYONG RAMDAM NG KARANIWANG PILIPINO

TARGET ni KA REX CAYANONG

SA panahon ngayon na halos lahat ng bilihin ay mataas ang presyo, malaking ginhawa para sa mamamayan ang anomang bawas sa gastusin sa araw-araw. Kaya naman ikinatuwa ng maraming pamilya ang ipinatupad na rollback sa presyo ng LPG ng Regasco.

Sa pangunguna ni Regasco Pres. Arnel Ty, nagkaroon ng P1 kada kilo na bawas sa presyo ng LPG simula nitong Mayo 19. Bagama’t tila maliit sa iba, malaking tulong ito lalo na sa mga pamilyang araw-araw nagtitipid para may maihain sa hapag-kainan.

Ipinakita rito na may mga negosyanteng hindi lamang kita ang iniisip kundi pati kapakanan ng mamamayan.

Ayon kay Ty, naging posible ang rollback dahil sa pagbaba ng shipping cost at presyo sa pandaigdigang merkado ng langis. Ibig sabihin, kapag may pagkakataong magpababa ng presyo, ginagawa nila ito para makatulong sa publiko.

Hindi rin natatapos sa rollback ang layunin ni Cong. Arnel. Patuloy rin ang pagpapalawak ng serbisyo ng Regasco sa iba’t ibang bahagi ng bansa, lalo na sa Mindanao. Isa sa malaking hakbang dito ang itatayong LPG terminal ng Regasco at SPI sa Davao.

Kapag natapos ang terminal na ito pagsapit ng 2027, mas magiging mabilis at maayos ang distribusyon ng LPG sa Mindanao. Makatutulong ito upang maging mas ligtas, mas maaasahan, at mas abot-kaya ang suplay ng LPG para sa mga tahanan at negosyo.

Malaking bagay ang ganitong proyekto dahil hindi lamang ito negosyo. Nagbibigay rin ito ng oportunidad sa trabaho at dagdag sigla sa ekonomiya ng rehiyon. Sa simpleng paraan, naipakikita na posible ang pag-unlad kapag may malinaw na direksyon at malasakit sa tao.

Sa loob ng maraming taon, naging kilala si Cong. Arnel Ty bilang isa sa mga nagsusulong ng kapakanan ng consumers pagdating sa LPG. Hindi lamang siya nakilala bilang negosyante kundi bilang lider na handang tumulong upang mapagaan ang buhay ng ordinaryong Pilipino.

Maging sa larangan ng public service ay patuloy ang kanyang adbokasiya.

Aba’y sa pamamagitan ng LPGMA Party-list, naipararating nila ang mga usapin at pangangailangan ng sektor ng LPG at ng consumers sa Kongreso.

Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit marami pa rin ang sumusuporta sa LPGMA Party-list na muling sasabak sa 2028 elections.

Nakikita ng mga tao ang kanilang mga konkretong programa at tuloy-tuloy na serbisyo.

Sa kasalukuyan, nagsisilbing kinatawan ng LPGMA sa Kongreso si Cong. Allan Ty, kapatid ni Cong. Arnel Ty.

Sabi nga, mahalaga ang pagkakaroon ng mga lider at negosyanteng marunong makinig sa pangangailangan ng tao.

At sa bawat proyektong inilulunsad ni Cong. Arnel Ty, unti-unting nararamdaman ng publiko ang serbisyong may malasakit at tunay na pakinabang.

119

Related posts

Leave a Comment