P1-M TABLA NG NARRA KUMPISKADO SA MISAMIS ORIENTAL

ARESTADO ang isang indibidwal sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group kasama ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), makaraang makumpiskahan ng P1 milyong halaga ng mga tabla ng narra.

Kinilala ang suspek na si alyas “Rod”, 53, isang truck driver.

Ayon sa ulat, nasabat ang mga tabla ng narra habang ibinabyahe ng suspek sa Brgy. Agay-agayan, Gingoog City, Misamis Oriental.

Narekober sa kanya ang 208 piraso ng tabla ng narra at isang Isuzu wing van na tinatayang nagkakahalaga ng nasa higit P1 milyon.

Nang hingian ang suspek ng kaukulang permit mula sa DENR para sa mga tabla ay wala itong maipakita.

Nahaharap ang nasabing suspek sa kasong paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines.

(TOTO NABAJA)

104

Related posts

Leave a Comment