PANIBAGONG 500,000 DOSES NG SINOVAC VACCINES PRINOSESO NG BOC-NAIA

Ni JOEL O. AMONGO

Mabilis na prinoseso ng Bureau of Customs – Port of NAIA at National Task Force Against COVID-19 (NTF) ang pagrerelease sa karag­dagang 500,000 doses ng Sinovac BioNtech vaccines noong Mayo 20, 2021.

Ang shipment ay naka-consigned sa Department of Health (DOH) na dumating via Flight No. 5J 671 sa Terminal at pre-cleared na ito ng One-Stop-Shop ng BOC-NAIA.

Ang pagdating ng Sinovac vaccines ay sinaksihan nina Department of Health Secretary, Francisco Duque III at Chief of Presidential Protocol Undersecretary Robert Borje.

Agad na ikinarga sa reefer van ang nasabing mga bakuna para ibiyahe patungo sa Pharmaserv Cold Storage Facility na bantay sarado ng BOC Special Covax Team.

Simula noong Mayo 20, 2021 ang bansa ay nakatanggap na ng kabuuang 8,279,050 doses ng COVID-19 vaccines na kung saan ay 5.5 million dito ay Sinovac, 2.556 million ay AstraZeneca, 30,000 ay Sputnik V, at 193,050 are Pfizer vaccines.

Kasabay nito, tiniyak naman ni BOC-NAIA District Collector Carmelita M. Talusan sa publiko na ang pwerto ay mananatiling matatag sa kanilang tungkulin sa pakikipag-ugnayan sa kanilang stakeholders na may integridad at professionalism sa One-Stop-Shop at Customer Care Center at pagtitiyak na nasa tamang oras ang pag-release ng PPE at medical supplies sa gitna ng banta ng pandemic.

Ang Bureau of Customs sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ay nananatili sa kanilang pangako na pagpapabilis ng proseso sa pag-release ng COVID-19 vaccines na buong suporta nila sa national vaccination program ng government.

Ito ay kasama ng NTF, ang BOC ay patuloy sa pag-obserba sa mahigpit na pamamaraan para matiyak ang seguridad ng mga bakuna.

165

Related posts

Leave a Comment