PANINIRA KAY BBM, LALO PANG NAGPAANGAT SA KANYA

SA kabila ng kaliwat-kanang paninira laban kay ex-Senator Bongbong Marcos (BBM) ay lalo pang nagbibigay ito ng daan sa mga Marcos para makabalik sila sa Palasyo ng Malakanyang.

Bakit kamo? Lalo kasing bumabango si BBM sa taumbayan.

Bagama’t bali-balita pa lang na tatakbong presidente si BBM nung siya ay in-interview ni Toni Gonzaga sa ‘Toni Talks’ sa kanyang vlog kamakailan ay pinutakte na siya ng mga batikos.

Pati na si Toni Gonzaga ay hindi pinaligtas ng mga ­tinaguriang “MIRON”, nanguna sa mga pumuna sa kanya ay ang pakialamerong mga taga-Ateneo de Manila University (ADMU) sa ­Quezon City.

Nang mapanood ng taumbayan ang magandang palitan ng questions and answers nina BBM at Toni ay naalarma ang mga “MIRON” sa ADMU at iba pang PASAWAY.

Gusto pa ng mga ito na diktahan si Toni G. kung ano ang kanyang gagawin. Ano kayo hilo?

Sabi tuloy ng netizens, bakit ba sila nakikialam kay Toni G, apektado ba sila?

Takot ba sila na manalong presidente ang nag-iisang anak na lalaki ng mag-asawang dating Unang Ginang Imelda at dating Pangulong Ferdinand Marcos?

Ang interview kasi ni Toni G. kay BBM ay umani ng milyun-milyong views mula sa netizens.

Sabi pa ng mga pakialamerong “MIRON” dapat daw interviewhin din ni Toni G. ang mga biktima ng “Martial Law” sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Marcos.

Namimihasa kasi ang mga ito na lagi sila ang masusunod, kaya gusto nila kung anong sinabi nila ay sundin ng media at vloggers. Isa pang, ano kayo hilo?

Bakit hindi kayo mag-vlog ng sarili nyo? Walang makikialam sa inyo.

Palibhasa magaling ka­yong magbaliktad ng mga kwento.

Ngayon, hindi na maniniwala ang taumbayan sa inyo dahil alam nila na minsan na silang napaikot ninyo.

Lagi n’yong sinasabi na maraming biktima ng karahasan sa panahon ni dating Pangulong Marcos.

Bakit hindi n’yo silipin ang “Mendiola Massacre” at “Hacienda Luisita Massacre” na lantarang pinagbabaril ng mga awtoridad ang mga kawa­wang magsasaka sa panahon nina Cory at Noynoy Aquino?

Bakit hindi n’yo rin kalkalin ang mga tauhan ng New People’s Army (NPA) at mga ordinaryong mamamayan na pinapatay ni CPP/NPA/NDF chairman Joma Sison?

Hindi lang sampu kundi daan-daan ang mga natatagpuang mass grave sa iba’t ibang lugar sa bansa na pinapatay ni Sison.

Ngayon, dahil may umusbong na Marcos (BBM) at handang maglingkod nang totoo sa taumbayan ay muli n’yong sinisira.

Kahit anong paninira n’yo sa kanya ay hindi eepekto ‘yan dahil lalo pa siyang lumalakas sa taumbayan.

Hindi n’yo mahahadlangan ang kanyang pag-angat kung ikukumpara sa inyong napipisil na kandidato na may lahi atang hunyango dahil paiba-iba ang kulay.

Nung nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) si BBM noong nakaraang Oktubre 7, 2021 sa Sofitel Hotel sa Pasay City ay sinabayan na naman siya ng paninira sa pamamagitan ng emergency alert.

Agad naman hiniling ni BBM sa National Telecommunications (NTC) na imbestigahan kung sino ang nasa likod nito.

Narito ang emergency alert, “BUONG BUO ANG MALASAKIT SA BANSA, BUONG BUHAY ANG ­MAI­­-ALAY SA TAONG BAYAN. BAGONG BUKAS NA MASA­GANA PARA SA MASA. BABANGON MULI ANG PILIPINAS (V) BBM SA BANSA, BBM SA TAONG BAYAN, BBM SA MASA…BBM PILIPINAS#BBM2022”.

Malinaw na isa itong paninira laban kay BBM, itinanggi na rin ang emergency alert ng NTC na galing ito sa kanila.

Dapat mahagilap ang may pakana nito at bigyan ng tig-iisang kurot mula sa taumbayan, nang hindi na siya pamarisan.

Bakit hindi kayo lumaban nang patas? Umayos kayo!

Si BBM, kahit anong paninira ninyo sa kanya ay hindi siya gumaganti sa inyo.

Gasgas na ang mga gani­tong style ng mga walang kwentang tao, hindi na kayo pinaniniwalaan ng taumbayan.

Pati ang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa iba’t ibang bansa sa ibayong dagat ay nagparating ng kanilang kagustuhan na ­maging miyembro sila ng Pinoy Kami for Bongbong Marcos (PinoyKa4BBM).

Abangan na lang natin ang 2022 national and local elections.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa ­joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.

206

Related posts

Leave a Comment