Para sa apat na palapag – LGU PONDO PARA SA SUPER HEALTH CENTER SA MARIKINA HINDI SAPAT

UMAASA ang Department of Health (DOH) na mapakikinabangan sa lalong madaling panahon ang Super Health Center ng Marikina City na matagal na natengga.

Ang naturang proyekto ay nasilip ng DOH noong Oktubre 15, at lumabas sa dokumento na P21.5 milyon ang kinakailangang pondo ng LGU para maisakatuparan ang orihinal na dalawang palapag na Super Health Center para sa mga residente ng Concepcion Dos ng nasabing lungsod.

Gayunman, nang matapos ang inspeksyon, napag-alaman ng LGU ng Marikina na hindi sapat o kulang ang pondo kung gagawing apat na palapag ang gusali.

Ayon sa LGU, malinaw na ang inilaan na pondo o ang nabanggit na halaga ay para lamang sa dalawang palapag na gusali.

Ipinaliwanag din ng DOH na ang pondo ng LGU ang gagamitin para tapusin at mapatakbo ang pasilidad.

Matatandaang ipinasa na ng DOH sa Independent Commission for Infrastructure o ICI ang ulat kaugnay ng mga non-operational super health centers, at inirekomenda ng ICI na ituloy ang imbestigasyon at citizen’s participatory audit upang matiyak ang paggamit ng pondo para sa serbisyong pangkalusugan.

(JOCELYN DOMENDEN)

15

Related posts

Leave a Comment