WALANG dahilan para magutom ang mga Pinoy sa panahon ng pandemya at nasa tamang pamamaraan lamang ang kailangan para kumita at makapagsimula ng negosyo.
Ito ang sinabi ni Dr. Alvin Sahagun, president ng WeEvolve Marketing Corp. na kailangan lamang tamang paraan para kumita at suportahan ang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya sa panahon ng pandemya. Ang kailangan lang ay ang isang gadget at data para makapagsimula ng isang home-based online business at social enterpreneurship.
Kaugnay nito, ayon sa National Statistic Authority (NSA), umabot sa 2.4 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho noong Enero 2020 samantalang 4 milyon naman nitong nagdaang Enero.
Sa report pa ng NSA, tumaas sa 8.7 percent nitong Enero ang joblessness mula 5.3 ng nakaraang taon.
Bukod sa trabaho, sinabi ni Sahagun na nakahanda ang WeEvolve para tulungan ang gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte na maayudahan ang mga Pinoy ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng feeding programs at community pantries.
Sinabi ni Sahagun, sa maikling panahon na naitayo nila ang kanilang kompanya, pumaimbulog ito at nag-expand kaagad sa Southeast Asia, Middle East, USA at Papua New Guinea.
Bilang patunay na umaalagwa ang kanilang kompanya, inilahad ni Sahagun na balak nilang mag-expand sa food products.
Sa ngayon ay may 28,000 sellers na ang WeEvolve at karamihan sa kanila ay mga tricycle at jeepney driver sa Cavite at mga lider ng iba’t ibang organisasyon. Target ng kumpanya ngayong taon ay 100,000 sellers.
Sinabi ni Roy Cueto, chairman ng WeEvolve na ‘di tulad ng ibang network marketing scheme na malaki ang kapital, dito sa kanilang kompanya ay may tinatawag na quick start scheme at ang kanilang negosyo ay product-driven at hindi membership platform. (PAOLO SANTOS)
272 