MULING nanawagan si Sen. Grace Poe sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na madaliin ang pagbabayad sa mga public at private hospital at isantabi ang hindi kailangang pamamaraan na makapipinsala sa kakayanan ng mga healthcare institution para isagawa ang kanilang napakahalagang tungkulin.
Sabi ni Poe, kailangang matugunan ng PhilHealth ang lahat ng hospital claims na hindi nabayaran gayundin ang tinatawag na ‘return-to-hospital (RTH) claims’ na banta sa viability ng mga ospital na ito.
Sa report ng Commission on Audit (COA) sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC), lumalabas na 1,641 claims o mahigit P22.98 milyon pa ang hindi nababayaran ng PhilHealth nitong Setyembre 20, 2020 habang ang RTH claims naman ay P11.60 milyon na kumakatawan sa 683 claims. Nakasaad din sa report na ang mga RTC claim ay ibinabalik sa mga ospital ng PhilHealth dahil sa kakulangan ng ilang requirement.
Noong 2019, hindi binayaran ng PhilHealth ang 1,595 claim sa PCMC na nagkakahalaga ng P15.31 milyon.
Sabi pa sa COA report, sinabi ng PCMC na mahigit sa 126 porsiyento ang tinanggihang bayaran ng PhilHealth mula 2019 hanggang katapusan ng Setyembre 2020 na nagresulta sa pagkalugi ng ospital ng P34.59 milyon.
Para sa National Kidney at Transplant Institute, hindi rin binayaran ng PhilHealth ang 2,387 claims na nagkakahalaga ng P30.31 milyon at RTH claims na umabot sa 15,601 at nagkakahalaga naman ng P122.81 milyon.
Bukod diyan, hindi pa rin nababayaran ng PhilHealth ang 2,432 claims ng Philippine Heart Center na nagkakahalaga ng P38.92 milyon at RTH claims na 1,475 na P32.25 milyon ang halaga.
“These are just the claims of three government hospitals. Private hospitals lament the same experience. We are in the middle of a pandemic and it is unconscionable that hospitals are not getting paid for services rendered and medicine or treatments administered. Delayed payments are equally unacceptable,” sabi ni Poe.
Ayon pa sa COA report sa tatlong government hospital na ito, kabilang sa mga dahilan ng pagtanggi sa mga claim ay ‘unpaid premium contributions’ at paglabag sa PhilHealth circulars tulad ng paghahain ng lagpas sa 60 araw, confinement na hindi mas mababa sa 24 oras, at ang doktor na gumamot sa pasyente ay hindi accredited ng PhilHealth.
“Hospitals facilitate the healing and recovery of our sick citizens. They expect PhilHealth to step up its efforts without letup amid the health crisis,” sabi ni Poe.
Sabi pa ng COA, may 4,953 set ng PhilHealth agent receipts pa ang unaccounted o hindi naiuulat at ilan sa agent receipts ay inisyu sa mga ospital na wala nang accreditation sa PhilHealth.
“It’s been a year since numerous PhilHealth issues and the supposed mafia that exists in the organization resurfaced. Despite the change in leadership, it is unfortunate that we are nowhere near resolving the extent of PhilHealth’s problems,” lahad ni Poe.
Sa 2020 COA report, sinabi ng PCMC na sumusunod naman ang kanilang billing and claim division sa panuntunan ng PhilHealth at sinisisi ang biglaang pagbabago sa ‘evaluation of claims’ ng ahensiya na hindi ibinase sa circular at polisya at ilang technical glitches ng PhiliHealth system.
“Hindi tama na hindi binabayaran ang mga ospital at hindi makatarungang pabalik-balikin ang mga tauhan nila na umaasang makakakolekta. Ang mga ospital at mga medical frontliner ang magtatawid sa atin sa pandemyang ito. Dapat bayaran na sila ng PhilHealth,” diin pa ni Poe. (ESTONG REYES)
156 