KULONG SA MAGBEBENTA NG BAKUNA, SLOT

IPINAGBABAWAL ng pamahalaan ang pagbebenta ng bakuna at slot.

Napaulat kasi na hindi lalagpas sa P15,000 ang ibinebentang bakuna, depende sa brand at pag-aalok ng slots sa COVID-19 vaccination program.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, pupuwedeng makulong at makasuhan ang isang indibidwal na sangkot sa ganitong ilegal na gawain.

“Well, yan po ay pinagbabawal. Wala pong bakuna na binebenta dahil wala pa pong bakuna na binigyan for commercial use kaya po hindi dapat ibenta ang mga bakuna eh lahat po iyan ay nasa Emergency Used pa lamang. Hindi pa po tapos yan sa 4th clinical trial,” ayon kay Sec. Roque.

“So, kapag kayo po ay nahuli na nagbebenta ng bakuna wala pang commercial use eh pupuwede po kayong makulong sang-ayon po sa mataas na nagbuo ng Food and Drug Authority sa Pilipinas. Kasi mayroon po tayong tinatawag na penal clause,” dagdag na pahayag nito.

Ukol naman sa nagbebenta ng slot ay ipinagbabawal din aniya ito at pupuwede ring makasuhan para sa paglilinlang na krimen.

“Kasi wala naman pong karapatan ang kahit na sino na magbenta ng kanilang slot,” aniya pa rin. (CHRISTIAN DALE)

167

Related posts

Leave a Comment