POPCOM NABABAHALA NA SA PAGDAMI NG BUNTIS NA MINOR 

buntis12

(NI KIKO CUETO)

NABABAHALA ang Commission on Population and Development (Popcom) sa pagdami ng mga nabubuntis na mga menor de edad.

Ayon sa ahensya, isa sa bawat 10 kababaihan na may edad 15 hanggang 19 ang buntis o nakapanganak na.

“The total number of minors giving birth in this country is still over 100,000 a year,” ani Popcom Executive Director Juan Antonio Perez III.

Sinabi pa ng Popcom, na hindi kasi nakararating ang family planning service sa maraming Pilipino, lalo sa mga menor de edad.

Kaya pinaiigting din umano ng komisyon ang kanilang Responsible Parenthood and Family Planning Program, na layong turuan ang mga magulang kung ano ang tamang timing at spacing ng mga anak.

Para sa Popcom, mas mabuti kung gumamit ng moderno at epektibong family planning methods para mabawasan ang mga nabubuntis nang hindi pinaplano.

Hiling din nila na bigyan sila ng suporta mula sa pamahalaan at mga lokal na opisyal.

“The appeal is for Congress to continue supporting the family planning program,” ani Perez.

Kasabay nito, sinabi ng Department of Health, (DOH) na mapanganib sa kalusugan ng nanay at sanggol ang maagang pagbubuntis.

Umaabot din umano ng P3 bilyon ang nawawalang kita mula sa sahod dahil sa pagkabuntis ng mga menor de edad.

 

458

Related posts

Leave a Comment