1,287 PASAHERO STRANDED KAY ‘USMAN’

usman

UMAABOT sa kabuuang 1,287 pasahero ang hindi pinayagan na makabiyahe at stranded sa iba’t ibang daungan dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Usman’, ayon sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) mula alas-8:00 ng umaga.

Umabot naman sa 80 katao ang stranded sa Port of Maasin; 56 Liloan Port; 362 Port of San Ricardo; sa Southern Leyte, 69 naman ang stranded sa Port of Balwarteco; 55 Port of San Isidro; 105 sa Port of Jubasan sa Northern Samar habang nasa 205 naman sa  Port of Calbayog  sa Western Samar at 355 sa Port of Dinagat. Nalaman na bukod sa pasahero, may 87 rolling cargoes, 11 vessels at limang motor bancas ang hindi pinayagan na makabiyahe sa mga naturang mga daungan.

Kaugnay nito, sinuspinde rin ng PCG, ang lahat ng biyahe sa karagatan ng  Surigao City sa Surigao del Norte. Ayon sa weather bulletin ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), apektado sa pananalasa ni Usman ang Bicol Region, Eastern Visayas, Surigao del Norte at Dinagat Islands. (Samantha Mendoza)

142

Related posts

Leave a Comment