LIBRENG SAKAY SA MRT-3 SA DEC. 30

mrt

MAGKAKALOOB ng libreng sakay sa kanilang mga pasahero ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Disyembre 30 bilang pakikiisa sa paggunita sa ika-122 anibersaryo ng kabayanihan ni Gat Jose Rizal, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ang libreng sakay sa MRT-3 ay maaaring i-avail mula alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi. Ayon sa DOTr, nais nilang makapag-ambag ng libreng sakay sa kanilang mga pasahero, sa gagawing pamamasyal sa nasabing araw, na deklaradong regular holiday.

Taun -taon ay nagbibigay ng free ride ang MRT-3 sa kanilang mga pasahero tuwing Rizal Day.

Ang MRT-3, na bumibiyahe sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA), ang nagdudugtong sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City.  (Kevin Collantes)

 

 

6

Related posts

Leave a Comment