16-ANYOS, GINAHASA’T PINATAY SA BATANGAS

BATANGAS – Hustisya ang hinihingi ng pamilya at mga kaanak ng isang 16-anyos na dalagita na hinihinalang hinalay muna bago pinaslang sa Tanauan City.

Ayon sa report ng Tanauan City Police, nadiskubre ang walang buhay na biktimang si Rhean Armillo Lopez sa damuhan sa bakanteng lote sa Soledad Park, sa Brgy. Darasa, Tanauan City, pasado alas-11:00 ng umaga noong Lunes.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, sinasabing wala itong pang-ibabang saplot nang matagpuan kaya malaki ang posibilidad na ginahasa muna ito bago pinaslang.

Ang nanay nito ang nakatunton sa bangkay ng biktima matapos na hindi nakauwi sa kanilang bahay noong Linggo ng gabi.

Na-track ng ina ang kinaroroonan ng cellphone ng dalagita na humantong sa naturang recreational area at sports facilities.

Humingi ito ng tulong sa barangay officials na kaagad sinuyod ang lugar hanggang sa matagpuan sa madamong bahagi ang labi ng biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

49

Related posts

Leave a Comment