3 PATAY SA KIDLAT SA BULACAN

PATAY ang tatlo katao kabilang ang dalawang bata matapos tamaan ng kidlat habang naglalaro sa palayan sa Barangay Inaon, Pulilan, Bulacan noong Miyerkoles, Hunyo 5.

Kinilala ng Pulilan police ang mga biktima na sina Rexter Enriquez, 16; Roxane Enriquez, 12, at April Almorade, 11, pawang taga Sitio Tangos ng nasabing lugar.

Ayon kay Pulilan Police chief LtCol Jerome Jay Ragonton, nangyari ang insidente dakong alas-3 ng hapon habang nakikipaglaro ang mga biktima sa iba pang bata sa gitna ng bukirin.

Sinabi ng ilang saksi na naglalaro ang mga biktima sa ilalim ng puno ng mangga nang mapansin ang paparating na ulan.

Habang pauwi ang mga ito, nakarinig sila ng kulog at nakaramdam ng kuryente.

Nakita ng mga saksi ang mga biktima na nakahandusay sa lupa kaya dinala sa Dr. Magdalena Reyes Hospital sa Brgy. Poblacion. Idineklara ng attending physician na si Dr. Antonio Reyes na patay na ang mga biktima. (ELOISA SILVERIO)

57

Related posts

Leave a Comment