5 TULAK ARESTADO SA BULACAN DRUG DEN

PINANINIWALAANG tuluyang nalansag ng mga tauhan ng San Jose Del Monte PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang umano’y drug den sa Bulacan.

Ayon kay Col. Rannie Lumactod, hepe ng SJDM PNP, sinalakay ng kanyang mga tauhan at mga operatiba ng PDEA ang hinihinalang drug den na nagsisilbi ring bentahan ng ilegal na droga sa Barangay Kaypian.

Base naman sa ulat na ibinahagi ni PDEA Public Information Office chief, Director Derrick Carreon, limang suspek ang kanilang nadakip sa isinagawang anti-narcotics operation katuwang ang local police noong Lunes ng gabi, Agosto 7.

“A makeshift drug den was dismantled while five drug suspects were collared during a buy-bust operation in Barangay Kaypian, SJDM,” ani Dir. Carreon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Emerson Centeno y Francisco, 46; Ryan Joseph Papina y Bualberto, 40; Abdul-Hadrame Bantuas y Mapandi, 40; Christian Jay Villanueva y Sacriz, 28, at Renato Mata y Francisco, 43-anyos.

Nakumpiskahan ang mga suspek ng 15 grams ng umano’y shabu na tinatayang P102,000 ang street value at assorted drug paraphernalia.

(JESSE KABEL)

50

Related posts

Leave a Comment