P1.4-M DROGA, 5 KATAO SILAT SA MARINES

NAGING instrumento ang mga tauhan ng Philippine Marines para masamsam ang nasa P1.4 million halaga ng shabu at pagdakip sa limang kasapi ng lawless element group sa isinagawang joint law enforcement operation sa Zamboanga City.

Ayon kay Philippine Navy Public Information Office chief Commander Benjo Negranza, base sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr., bukod sa nasamsam na droga ay limang kalalakihan din ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operation sa bisa ng hawak nilang warrant.

Kinilala ang mga nadakip na sina Mark Ian Basilio Rodriguez, Joebert Bazan Macario, Mark Anthony Felix Go, Roderick Rivera Zapanta, at Rizaldy Jamilla Saludar. Nasamsam sa kanila ang 210.58 grams ng shabu, mga baril at bala.

Nabatid na sinuportahan ng Marine Battalion Landing Team 11 ang local police para makapaglunsad ng joint law enforcement operation sa Sitio Lumbayao, Mercedes, Zamboanga City laban sa target personalities.

Tiniyak naman ni outgoing Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Roy Galido, na tuloy-tuloy ang kanilang pagsuporta sa iba pang security agencies ng gobyerno para masiguro na magiging matagumpay ang mga susunod pang law enforcement operations.

(JESSE KABEL RUIZ)

222

Related posts

Leave a Comment