BANGKAY ITINAPON SA ILOG SA QUEZON

QUEZON – Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki ang itinapon sa gilid ng ilog sa Sitio Sinturisan, Brgy. Manggalang Bantilan, sa bayan ng Sariaya sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon.

Nadiskubre ng mga residente ang katawan ng biktima na tinatayang nasa edad 45 hanggang 50-anyos, dakong ala-1:00 ng hapon.

Ayon sa mga residente, hindi taga roon sa kanilang barangay ang biktima at hindi ito pamilyar sa kanila.

Duguan ito at hinihinalang may tama ng hindi pa matukoy na armas. Wala rin anila silang narinig na anomang putok ng baril o kaguluhang nangyari sa lugar.

Ayon naman sa Sariaya police, posibleng sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang doon ang bangkay para iligaw ang imbestigasyon.

(NILOU DEL CARMEN)

102

Related posts

Leave a Comment