BEBOT ARESTADO SA P136K SHABU

CAVITE – Arestado sa ikinasang isang buy-bust operation ang isang babaeng hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang makumpiskahan ng P136,000 halaga ng umano’y shabu sa Imus City.

Nakakulong na sa Imus City Custodial Center ang suspek na si Rebecca Caoile y Sandaga, nasa hustong edad, ng Brgy. Alapan 1-A, Imus City.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:10 ng gabi, nagsagawa ang anti-illegal drug operation ang Imus City Police sa Brgy. Alapan 1-A, Imus City na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek habang nakatakas ang kasama nito.

Nakuha sa suspek ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P136,000, at marked money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(SIGFRED ADSUARA)

96

Related posts

Leave a Comment