BUS NAHULOG SA KANAL SA DAVAO DEL SUR, 4 SUGATAN

DAVAO DEL SUR – Apat na pasahero ang sugatan nang mahulog sa kanal ang isang pampasaherong bus sa Digos-Makar Road, sa national highway sa Purok 3, Barangay Balutakay sa bayan ng Hagonoy, sa lalawigan noong Martes ng madaling araw.

Ayon sa Davao del Sur Provincial Police, binabaybay ng bus ang national highway papuntang Davao City nang mawalan ng kontrol ang driver dahil basa at madulas ang kalsada bunsod ng mga pag-ulan.

Nag-overshoot ito sa kalsada at patagilid na nahulog sa kanal sa gilid ng highway.

Sa video ng isang netizen, makikita ang ilang sugatang nakalabas ng bus at may na-trap sa loob ng sasakyan.

Gumamit pa ng hydraulic tools ang mga rescuer para mailabas ang isang pasaherong naipit sa loob ng sasakyan.

Paalala naman ng mga awtoridad na mag-ingat sa biyahe lalo na kapag umuulan. (NILOU DEL CARMEN)

37

Related posts

Leave a Comment