CHINESE NALAGLAG SA WAREHOUSE, PATAY

BATANGAS – Patay ang isang Chinese steel structure specialist matapos na mahulog mula sa itaas ng ginagawang warehouse sa construction site sa bayan ng San Pascual sa lalawigan noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Xiaolong Zhang, 48 anyos.

Ayon sa report, nasa itaas ito ng ginagawang building sa loob ng compound ng Time Ceramics Philippines Inc. sa Brgy. Gelerang Kawayan.

Habang nag-a-align ng mga bakal para sa kisame ang biktima nang mawalan ito ng panimbang, nahulog at bumagsak sa kongkretong sahig mula sa tinatayang 7 metrong taas.

Grabeng napinsala sa ulo ang biktima na naging sanhi ng agaran niyang kamatayan.

Ayon sa mga imbestigador, walang suot na safety harness ang biktima habang ito ay nagtatrabaho sa itaas ng gusali. (NILOU DEL CARMEN)

41

Related posts

Leave a Comment